PANITIKAN/TEKSTONG LITERARI
Ang tunay na Panitikan
ay ang pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at pangarap ng
sangkatauhan na nasusulat sa isang masining o malikhaing paraan sa pamamagitan
ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil
nasusulat matitiyak ang kawalang maliw nito.
URI NG PANITIKAN
Uri ng
Panitikan ayon sa Pagsasalin
- Panitikang Pasalin-dila
- Panitikang Pasulat
Uri ng
Panitikan ayon sa Anyo
- Prosa/Tuluyan
- Patula
TEORYA-Pormulasyon ng paglilinaw ng
mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag dito.
TEORYANG
PAMPANITIKAN-Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan/literari na ating binabasa.
MGA
TEORYANG PAMPANITIKAN
Imahismo (Imagery) Ang malikhaing panitikan ay
may layuning maghatid ng kaalaman, tuminag, humimok at humikayat sa mga
mambabasa. Gumagamit ito ng larawang diwa
at mga sagisag, nagpapasidhi ng mga
damdaming bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pag-ibig, paghihiganti,
pagpapatawad atbp. Sa panitikang malikhain ay binibigyan tayo ng isang
pangitaing lalong dakila, dagdag na karunungan at ginigising tayo sa laong
malalim na pag-iisip.
Romantesismo
Sentimentalismo
at ideyalismo ang pinaiiral. Pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa mga ideyang
siyentipiko. Ipinababatid ng tao ang katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Narito ang ilang katangian ng akdang romantiko;
a.) ang pagiging subhektibo ng manunulat o indibidwalismo sa estilo. b.)
Matindi ang paniniwala sa Diyos. c.) Ang pag-ibig sa kalikasan na pagkakilanlan
ng Maykapal, ang taong malapit sa Diyos ay malapit sa kalikasan.
Humanismo Naniniwala ang teoryang ito
na ang Diyos sy mabuti kaya ang taong nilikha nito ay mabuti rin. Nagpapahalaga
ang teoryang ito sa kalikasan ng tao at ng kanyang pagtataglay ng kwalidad.
Nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao na siyang sentro ng daidig, ang sukatan
ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang tao at ang kanyang mga
saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa dito. Pinahahalagan ang kalayaan at isipan ang
ganap na kakayahan ng mga tao at kalikasan.
Klasismo Paggamit ng estilo o
aestetikong prisipyo ng mga Griyego ao Romanong klasikong sining at literatura.
Ipinapakita ang sangkap na intelektwal at
senswal na sining. Nangingibabaw ang matuwid o katwiran. Matipid ito sa
paggamit ng mga salita kaya sa pagpapahayag ng damdamin ay maingat sapagkat
pinaniniwalaan na hindi marangal ang
labis na pagkaemosyunal. Sa pananaw at panlasang aristokratiko ng klasismo,
ipinapalayag na ang tanyag at dakilang mga pangyayaring pangkasaysayan na
kinasasangkutan ng mga bayani at bantog na tauhan lamang ang nararapat na
paksain ng literatura.
Realismo Mas maganda ang katotohanan kaysa kagadahan. Hangad nito
ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan. Pinatutunayan ng teoryang ito
na ang pagbabago ay walang hangganan. Optimisko ang pananalig na ang tao ay
lalaya sa pagkalugmok sa mga suliranin.
Pormalistiko/
Formalismo Ito ay naayon sa porma o kaanyuan ng isang akda na may kasiningan. Ang porma ay
kadalasang binubuo ng imahe, sukat, tugma atbp. Dapat magkaugnay ang mga
elemento ng isang akda upang ito ay maging mahusay. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian
at paraan ng pagkasulat ng akda.
Naturalismo Masinop na paghanap ng
kaugnayan ng kapaligiran sa kasiningan ng
akda. Binibigyang pansin sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng
karalitaan.Nilalayon ding alamin ng teoryang ito ang mahahalagang detalye na may kinalaman sa siklo ng pangyayari sa
karakter, ang pakikipagsapalaran upang mabuhay at ang kaugnayan ng kapaligiran
sa pakikipagsapalaran.
Dekonstruksyon Pagpapakita ng maraming
layer ng kahulugan. Realidad o Pilosopiya
ang pinaguukulan ng pansin. Isang tinitingnan ay ang lumulutang na kamalayan sa
loob ng isang akda. Ito dapat ang maging gabay. Ang kamalayan ng sumulat ay iba
sa kamalayan ng mga mambabasa sapagkat habang sinusulat ang teksto ang
kamalayan nito ay nasa manunulat, ngunit kapag nasa kamay ng ng mambabasa ang
akda, ang kahulugan nito ay nasa kanila na. Ang pinakamahalagang punto ay ang
pagkakaroon ng teorya ng realidad ngunit may sinusunod na pagsusuri. Ang pananaw mo ay iba sa pananaw ng iba.
Ang mga salita ay may iba’t-ibang layer ng kahulugan.
Eksistensyalismo Malaya ang tao, walang
maaring umako sa buhay ng may buhay, wala siyang kinalaman sa kanyang
pagkasilang. Nasa tao ang desisyon kung papaano nya gugugulin ang kanyang
buhay, indibidwal ang tao, lahat ay magkakaiba.Walang makakapagsabi kung ano
ang tama o mali. Walang ibang kasangkot sa buhay niya kundi ang kanyang sarili.
Ang pinakakaibang katangian ng sangkatauhan ay ang kakayahan nitong pumili.
Bayograpikal Ang isang akda ay sinusuri
bilang repleksyon ng buhay ng may-akda. Ang pag-aaral ng talambuhay ng may-akda ay nakakapagpadali sa pag-unawa sa kanyang
akda.
Feminismo Sa pananaw na ito ang mga
manunulat na babae o panig sa mga babae
at ang kakayahan ng mga babae bilang tao
ang binibigyang pansin.
Markismo Sa pagdulog na ito ay
mahalagang bigyang pansin ang mga bahaging nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina, gayundin ang kung papaano nagapi ng mahina ang
malakas.
Sosyolohismo Pagsusuri ng akda batay sa
kalagayang panlipunan at mga katauhang nagingibabaw sa isang lipunan. Sa
paggamit ng teoryang ito ay nararapat na
suriin ang akda batay sa lipunang pinagmulan nito at hindi sa lipunan ng
sumusuri sa akda.
Arketaypal Nangangailangan ng masusing
pag-aaral sa isang akda sapagkat isinasa-alang-alang dito ang pagbibigay kahulugan sa mga simbolismo ng
akda. Ang pananaw na ito ay pagtingin sa panitikan na nakasalig ng malaki
sa buong kultura, kaalamang sikolohikal, kasaysayan, antropolohiya, moral at
pilosopiya.
Sikolohismo naginging mabisa kapag ang isang tauhan ay
nakikipagtunggali sa kanyang sarili. Tinitingnan dito kung ang aksyon ng tauhan ay itinutulak ng kanyang natatagong kamalayan (Subconscious mind)
Queer Kung
may feminismo na nagbibigay pansin sa kababaihan, ang teoryang ito naman ay
nagbibigay pansin sa homosekswalidad.
Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao
at ng mundo. Kultural Ang
layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi
ay natatangi.
Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay
ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
PAGSULAT NG
KOMPOSISYON
-maituturing na pinakapayak
na paraan ng pagsulat.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG KOMPOSISYON:
Paksa Mahalaga ang paksa
o tema sa isang akdang susulatin sapagkat kung wala ito walang susulatin,
ito ang nagsisilbing buhay ng isang komposisyon. Saan makukuha ang paksa? Ito
ay nasa paligid lamang, kailangan lamang maging mapagmasid abuhay ang pandama
ng taong nais sumulat.
Pamagat Lahat ng akda ay may
pamagat, papaano ba ito nililikha narito ang ilang mungkahi ; a.Ang pamagat ay
maaring pinakadiwa ng komposisyon, b.Pinakamahalagang bagay sa komposisyon,
b.Maari ding gamitin ang lugar o tagpuan ng komposisyon at d. Mula sa pangalan ng
pangunahing tauhan o mahalagang tauhan.
Pagsisimula Kadalasang sa simula
tinutukoy ang pinakapaksa ng komposisyon, may layunin din itong gamiting
panawag pansin,narito ang ilang mungkahi;a. Paggamit ng sipi,b. Pagtatanong,c.
Paggamit ng makatawag pansing pangungsap,d.Pambungad na pagsasalaysay, e. Mga
petsa o bahagi ng kasaysayan,f.Ilahad ang suliraning papaksain,g. Maari ding
gumamit ng salitaan o dayalogo at h. paggamit ng kawikaan o salawikain.
Pagwawakas Ito ang huling binabasa ng
mga mambabasa at nakikintal sa kanilang mga isipan. Dahil dito maaring ulitin o
buurin sa wakas ang mahalagang kaisipang tinalakay sa akda. Narito ang ilang
paraan; a. Pagbibigay ng buod ng paksa,b.Pag-iwan ng isang tanong, c.Mag-iwan
ng hamon, d. Maaring gimawa ng panghuhula, f. Magwakas sa angkop na sipi, g.
Maaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula
IBA’T-IBANG
KLASIPIKASYON NG AKDANG PAMPANITIKAN
SANAYSAY- Isang uri ng paglalahad,na bukod sa pagpapaliwanag ay
kinapapalooban ito ng sariling palagay
at kuro-kuro ng may-akda hinggil sa kanyang paksa. Ayon kay Alejandro Abadilla,
and “Sanaysay” ay hango sa parilalang “sanay ng salaysay” sapagkat dito
inihahayag ng sumulat pagkat dito inihahayag ng sumulat ang sarili niyang
karanasan.
MGA
URI NG SANAYSAY
MALAYA O DI
PORMAL/IMPORMAL Isang uri ng sanaysay na may
pagkamalapit sa mga mambabasa sapagkat nasususlat ito na parang nakikipag-usap
lamang ang may-akda sa kanyang mambabasa. Kadalasang ang malayang sanaysay ay
di na gaanong sinaliksik sapagkat karaniwan ito ay ukol sa mga sariling karanasan
at mga kuro-kuro o palagay.
MAANYO O
PORMAL Ang paglalahad ay maingat, maayos at mabisa.
Pinipiling mabuti ang mga salita at ang mga pahayag ay pinag-uukulan ng
masusing pag-aaral o pananaliksik.
TULA- masining na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ito ay sinusukat ng
maingat at piling-pili ang mga salita.
MGA ELEMENTO NG TULA
- Tugma- ito ang pagkakasintunog
ng huling pantig sa hulihan ng mga taludtod ng saknong.
- Sukat- bilang ng pantig sa
bawat taludtod, maaeing wawaluhin, lalabindalawahin, lalabinganimin at
lalabingwaluhin.
- Talinhaga- taglay nito ang
pahayag na may natatagong kahulugan. Gumagamit ito ng tayutay.
- Kariktan- Ito ang kagandahang
taglay ng tula. Nakaaakit ang magaganda at mga piling salita gayundin din ang maayos na pagpapahayag
ng kaisipan at damdamin. Ito ang siyang nakakapukaw sa mga mambabasa.
MAIKLING KATHA O MAIKLING KWENTO-
Sangay ng isang
salaysay na may isang kakintalan. Taglay nito ang isang madulang bahagi ng buhay
na tinatalakay, may isang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin at ng
iba pang kaunting tauhan, may mahalagang tagpuan, mabilis ang takbo ng mga
pangyayari na pataan ang kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad ding
sinusundan ng wakas.
SANGKAP NG ISANG MAIKLING KWENTO
- Tauhan- siya ang taong akala mo
ay buhay na likha ng awtor sa pamamagitan ng panulat. Sila ang mga
kumikilos sa kwento.
- Tagpuan- ito ang pook o lugar at
oras na pinangyayarihan ng kwento na itinakda ng may akda. Ito’y ginagawa
ng awtor na maging makatotohanan upang ang daigdig na inilalarawan niya sa
imahinasyon ng mambabasa ay lubos na matanggap.
- Banghay- ito ang kawing-kawing na
mga pangyayari na sa sandaling makalas ay wakas na ang kwento. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay pasidhi ng pasidhi hanggang maabot
ang tuktok ng kaigtingan na tinatawag na kasukdulan.
- Tunggalian- sa takbo ng mga
pangyayari, ito ang nagbibigay ng mga kapanabikan kaya nagpapatuloy ang
pagtunghay sa kwento ang mambabasa. Maaring ang tunggalian ay tao sa tao,
tao laban sa hayop, tao laban sa kalikasan, atbp.
- Kasukdulan- Ito ang rurok ng mga
tunggalian na wai ay hindi na makahinga ang mambabasa sa matinding
kapana-panabik ba pangyayari sa kwento.
- Wakas- Ang katapusan ng mga
pangyayari sa nagdaang kasaukdulan.
DULA- Isang uri ng kwento na itinatanghal sa entablado o
teatro. Nailalarawan ng isang dula ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga
dayalog.
SANGKAP
NG ISANG DULA
- Banghay- pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa dula, nahahati ito sa yugto at tagpo.
- Tauhan- Mga tagatanghal ng mga
pangyayaring nais ilantad ng kwento, mga nagsisiganap sa dula.
- Kaisipan- ang syang kabuuan ng
dula naiiwan sa isipan ng sinumang manonood, ito ang produkto ng banghay
at ng tauhan.
- Ang dakilang palabas o
Spectacle- ang mga bagay-bagay na nakikita ng mga manonood sa tanghalan.
Kabilang dito ang mga kagamitan at tanawin sa tanghalan, ilaw, kasuotan,
blocking at musika, tunog atbp.
NOBELA- Isang mahabang kwento na nagsasalaysay ng anumang
bagay, kabuuan man o isang bahagi na isinulat upang makapagpalugod sa mga
mambabasa. Hinahati ang nobela sa mga kabanata dahil sa kahabaan nito.
TUNGGALIAN- Isa sa mahalagang sangkap ng
nobela na nagpapaigting ng pananabik sa mga mambabasa. Nagaganap ang tunggalian
matapos maganap ang suliranin sa isa sa mga tauhan.
URI
NG TUNGGALIAN
- Tao laban sa Tao
- Tao laban sa kanyang Sarili
- Tao laban sa Lipunan
- Tao laban sa kanyang Kalikasan
- Tao laban sa Hayop
May sanggunian po ito?
ReplyDelete