Having a job is an awesome thing but keeping sane while at work is another, specially if you encouter colorful species in your work place.Whether they make your life a living hell or not always rememmber these helpful tips, which are all entirely based on my observation and experiences...
1. Being passionate and hardworking is a good thing, but being laid back and relaxed at work is the best.
2. Keep your friends close, your enemies closer, and your boss even closer in short "daig ng sipsip ang masipag..."
3.Huwag maging magaling kung ayaw mong paratangang mayabang, hinay-hinay lang...
4. May mga taong sadyang ipinanganak upang mang-inis ng kapwa o kaya ay kainisan ng bayan.Ipanalangin mong wag ikaw ito...
5.Showing up is better than no show at all, it's better LATE than absent.
6. Mag-ngat sa mga nuno na wala sa punso, magtabi-tabi po palagi kahit saan man pumunta o sa anumang iyong gagawin para di ka mamatanda literally and figuratively.
7.Bumati sa lahat ng co-workers kahit mukha ka nang tanga para hindi ka sabihan na snob ka.
8.Huwag mag-stay sa workplace mo nang sobra-sobra sa oras lalo na kung ang workplace mo ay pang-horror film ang dating, I see dead people na ang drama mo pag nagkataon.
9.Huwag mong piliting intindihin ang iyong mga katrabaho, kanya-kanyang trip lang yan, pagtsismisan mo na lang pero walang pakialamanan. sa ganitong paraan hindi ka mauubusan ng pagtsisismisan , may past-time ka na masaya pa sila.
10. Masarap makipagtsismisan as long as hindi ikaw ang topic.
Pag-iisipan ko pa ang mga susunod na mga aral...hanggang dito na lang muna...
Sunday, December 8, 2013
Saturday, June 22, 2013
Buod ng isang Nobela
(Buod ng Nobela)
Amado V.
Hernandez
Kagagaling
ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng
lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa
kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong
Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak
ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan
at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may
pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang
mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng
pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona.
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Bandong.
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata.
Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Bandong.
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata.
Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Tungkol Sa May akda:
Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang
Tagalog. Kilala rin siya bilang
"Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong
tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas. Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na
Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American
Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na
si Atang de
la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa
kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng
Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa
Tanghalan, Sayaw at Tugtugin. Noong 1973, tatlong taon
mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong
Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang pumanaw
ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa
lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng
tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."
Pagsusuri gamit ang pagdulog Humanismo
Kwento ni Mabuti
Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit
sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma at walang
pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa
ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon
sa kung manunungawa’y matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroroon
pa siya’t nagtuturo
ng mga kaalamang pang-aklat – at
bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng
buhay. Saan mang may kagandahan; sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya,
nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang ano mang maganda sa kanyang
anyo at sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro
roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit
hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang
masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod.
Ang salitang iyon ang bukambibig niya.
Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung
minsan, at nagiging pamuno sa mga
sandali ng pag-aalanganin. Ang isang paraang hindi malirip, iyon ay nagiging
salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay.
“Mabuti,” ang sabi niya, “…ngayo’y
magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito…
Mabuti… mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya
ng ano man kundi lamang nahuli niya ako minsang lumuha:nang hapong iyo’y
iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa
pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng
paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng
silid-aklatan, pinilit kong sulatin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya
ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao rito,” ang wika
niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. “Tila may suliranin ka… mabuti
sana kung makakatulong ako”.
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag
nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa
naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon.
Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong
bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rin dito…
naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang
naulinigan ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking
kandungan. Mayamaya pa’y nakita ko na ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking kamay at
narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko
noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon sa
pangyayaring ito’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa ganoong
kamusmos na bagay. Ngunit siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong
ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan.
Ang panulukang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga
pala, Ma’am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na…..
iniiyakan ko?”
Tumawa
siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: “ang sulok na iyon na………iniyakan
natin…nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig “Sana’y masasabi
ko sa iyo, ngunit… ang suliranin ko’y hindi pa ra sa mga bata pang gaya mo.
Mabuti sana’y hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin… kailanman. Ang
ibig kong sabihi’y maging higit na mabuti sana sa iyo ang…. buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula ng araw na
iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pangiti
niya ng mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa
noo niya sa kanyang pagkayamot, narinig kong muli ang mga yabag na papalapit sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon na…… “iniiyakan natin,” ang
sabi niya ng hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang
tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan ng pagtungo niya sa sulok na
iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na
iyon… naming dalawa.
At sapagkat natuklasan ko ang
katotohanang iyo tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga
bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit sa tuwina, kasayahan, pananalig,
pag-asa, ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na
guniguni ang aming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa
panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan. At ako’y
humanga.
Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko
sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming
aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos
na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng
Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, ay isa sa pinakamatibay sa aking
nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil ang pananalig niyang iyon ang nagpakita
sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin. Iyon marahil
ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahulugan sa mga bagay na
para sa ami’y walang kabuluhan.
Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol
sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak… nang paulit-ulit. Hindi rin siya
bumanggit sa amin kailan man tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa
mga kamag-aral namin ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng
maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa
amin ang katabilan niyon, ang palaki nang palaking mga pangarap niyon, ang
nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpahayag ang aming guro ng isang pangamba: ang pagkatakot niyang baka
siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa kanyang
anak ay isa lamang sa mga bagay na “pinagtitiisang’ pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyo’y
nagkaroon ng bagong kahulugan sapagkat
noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang mga pagsasalaysay ay nalaman
namin ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may
malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang
anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na tao’y magsisimula na iyong
mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak-at isang
mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ang aming guro nang
ang isa sa mga batang lalaki sa aking likuran ay bumubulong: “Gaya ng kanyang
ama!”
Narinig
ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki: At siya’y nagsalita.
“Oo
gaya nga ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha
habang
sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa
aming klase tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Natiyak ko noong may isang
bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon na lamang. At habang
nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya upang
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng
silidaklatan, at hilinging magbukas ng dibdib, sa akin. Marahil makagagaan sa
kaniyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang tao lamang. Ngunit ang sumupil
sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aral kong nakikinig nang walang ano mang
malasakit sa kanyang sinabi, “Oo, gaya nga ng kanyang ama,” habang tumatakas
ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos may sinabi siyang hindi ko
malilimutan kailan man. Tiningnan niya akong buong tapang na
pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: “Mabuti….mabuti!”
Gaya ng sasabihin nitong si Fe – iyon
lamang nakararanas ng lihim na kalungkutan ang maaring makakilala ng mga lihim
na kaligayahan. Mabuti at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak
ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita,
ni sa aking pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang
iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay
iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakakaranas ng lihim na
kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan….
At minsan pa, ng umagang iyon, habang
unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, muli niyang ipinamalas
sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan: ang
kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng
buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang
nakaraan buhat ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon.
Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang
nakakalipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalawang gabi sa isang
bahay na hindi siyang tinitirhan ni Mabuti
at ng kanyang anak. At naunawaan
ko ang lahat. Sa hubad na katotohanang niyon at sa buong kalupitan niyo’y naunawaan
ko ang lahat…
Si Aling Bebang, ayon
sa talambuhay na sinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang
magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon.
Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon
ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa
karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang
ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang
makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na
magiging Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay
sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa
Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang
matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng
Santo Tomas.
Kontrobersiyal ang
buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa pagsusulong
wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na
karanasan noong nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling
Bebang:
Mabuti naman at
mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro
niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang
pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya
(baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling
labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay
dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.” Sinasabitan
din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect.
Ang palakad na ito ay
laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang
pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang
maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga
mag-aaral na madaling matuto ng Ingles—subalit masama ang naging epekto sa
damdaming makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa siya’y naiisip na: “Biglang naipit
sa desk ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay ba,
iisipin ko muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ng mahahabang sandali
ay saka pa ako dadaing ng Ouch!”- www. wikipedia.com
Ano ang Panitikan?
PANITIKAN/TEKSTONG LITERARI
Ang tunay na Panitikan
ay ang pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at pangarap ng
sangkatauhan na nasusulat sa isang masining o malikhaing paraan sa pamamagitan
ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil
nasusulat matitiyak ang kawalang maliw nito.
URI NG PANITIKAN
Uri ng
Panitikan ayon sa Pagsasalin
- Panitikang Pasalin-dila
- Panitikang Pasulat
Uri ng
Panitikan ayon sa Anyo
- Prosa/Tuluyan
- Patula
TEORYA-Pormulasyon ng paglilinaw ng
mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag dito.
TEORYANG
PAMPANITIKAN-Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan/literari na ating binabasa.
MGA
TEORYANG PAMPANITIKAN
Imahismo (Imagery) Ang malikhaing panitikan ay
may layuning maghatid ng kaalaman, tuminag, humimok at humikayat sa mga
mambabasa. Gumagamit ito ng larawang diwa
at mga sagisag, nagpapasidhi ng mga
damdaming bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pag-ibig, paghihiganti,
pagpapatawad atbp. Sa panitikang malikhain ay binibigyan tayo ng isang
pangitaing lalong dakila, dagdag na karunungan at ginigising tayo sa laong
malalim na pag-iisip.
Romantesismo
Sentimentalismo
at ideyalismo ang pinaiiral. Pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa mga ideyang
siyentipiko. Ipinababatid ng tao ang katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Narito ang ilang katangian ng akdang romantiko;
a.) ang pagiging subhektibo ng manunulat o indibidwalismo sa estilo. b.)
Matindi ang paniniwala sa Diyos. c.) Ang pag-ibig sa kalikasan na pagkakilanlan
ng Maykapal, ang taong malapit sa Diyos ay malapit sa kalikasan.
Humanismo Naniniwala ang teoryang ito
na ang Diyos sy mabuti kaya ang taong nilikha nito ay mabuti rin. Nagpapahalaga
ang teoryang ito sa kalikasan ng tao at ng kanyang pagtataglay ng kwalidad.
Nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao na siyang sentro ng daidig, ang sukatan
ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang tao at ang kanyang mga
saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa dito. Pinahahalagan ang kalayaan at isipan ang
ganap na kakayahan ng mga tao at kalikasan.
Klasismo Paggamit ng estilo o
aestetikong prisipyo ng mga Griyego ao Romanong klasikong sining at literatura.
Ipinapakita ang sangkap na intelektwal at
senswal na sining. Nangingibabaw ang matuwid o katwiran. Matipid ito sa
paggamit ng mga salita kaya sa pagpapahayag ng damdamin ay maingat sapagkat
pinaniniwalaan na hindi marangal ang
labis na pagkaemosyunal. Sa pananaw at panlasang aristokratiko ng klasismo,
ipinapalayag na ang tanyag at dakilang mga pangyayaring pangkasaysayan na
kinasasangkutan ng mga bayani at bantog na tauhan lamang ang nararapat na
paksain ng literatura.
Realismo Mas maganda ang katotohanan kaysa kagadahan. Hangad nito
ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan. Pinatutunayan ng teoryang ito
na ang pagbabago ay walang hangganan. Optimisko ang pananalig na ang tao ay
lalaya sa pagkalugmok sa mga suliranin.
Pormalistiko/
Formalismo Ito ay naayon sa porma o kaanyuan ng isang akda na may kasiningan. Ang porma ay
kadalasang binubuo ng imahe, sukat, tugma atbp. Dapat magkaugnay ang mga
elemento ng isang akda upang ito ay maging mahusay. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian
at paraan ng pagkasulat ng akda.
Naturalismo Masinop na paghanap ng
kaugnayan ng kapaligiran sa kasiningan ng
akda. Binibigyang pansin sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng
karalitaan.Nilalayon ding alamin ng teoryang ito ang mahahalagang detalye na may kinalaman sa siklo ng pangyayari sa
karakter, ang pakikipagsapalaran upang mabuhay at ang kaugnayan ng kapaligiran
sa pakikipagsapalaran.
Dekonstruksyon Pagpapakita ng maraming
layer ng kahulugan. Realidad o Pilosopiya
ang pinaguukulan ng pansin. Isang tinitingnan ay ang lumulutang na kamalayan sa
loob ng isang akda. Ito dapat ang maging gabay. Ang kamalayan ng sumulat ay iba
sa kamalayan ng mga mambabasa sapagkat habang sinusulat ang teksto ang
kamalayan nito ay nasa manunulat, ngunit kapag nasa kamay ng ng mambabasa ang
akda, ang kahulugan nito ay nasa kanila na. Ang pinakamahalagang punto ay ang
pagkakaroon ng teorya ng realidad ngunit may sinusunod na pagsusuri. Ang pananaw mo ay iba sa pananaw ng iba.
Ang mga salita ay may iba’t-ibang layer ng kahulugan.
Eksistensyalismo Malaya ang tao, walang
maaring umako sa buhay ng may buhay, wala siyang kinalaman sa kanyang
pagkasilang. Nasa tao ang desisyon kung papaano nya gugugulin ang kanyang
buhay, indibidwal ang tao, lahat ay magkakaiba.Walang makakapagsabi kung ano
ang tama o mali. Walang ibang kasangkot sa buhay niya kundi ang kanyang sarili.
Ang pinakakaibang katangian ng sangkatauhan ay ang kakayahan nitong pumili.
Bayograpikal Ang isang akda ay sinusuri
bilang repleksyon ng buhay ng may-akda. Ang pag-aaral ng talambuhay ng may-akda ay nakakapagpadali sa pag-unawa sa kanyang
akda.
Feminismo Sa pananaw na ito ang mga
manunulat na babae o panig sa mga babae
at ang kakayahan ng mga babae bilang tao
ang binibigyang pansin.
Markismo Sa pagdulog na ito ay
mahalagang bigyang pansin ang mga bahaging nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina, gayundin ang kung papaano nagapi ng mahina ang
malakas.
Sosyolohismo Pagsusuri ng akda batay sa
kalagayang panlipunan at mga katauhang nagingibabaw sa isang lipunan. Sa
paggamit ng teoryang ito ay nararapat na
suriin ang akda batay sa lipunang pinagmulan nito at hindi sa lipunan ng
sumusuri sa akda.
Arketaypal Nangangailangan ng masusing
pag-aaral sa isang akda sapagkat isinasa-alang-alang dito ang pagbibigay kahulugan sa mga simbolismo ng
akda. Ang pananaw na ito ay pagtingin sa panitikan na nakasalig ng malaki
sa buong kultura, kaalamang sikolohikal, kasaysayan, antropolohiya, moral at
pilosopiya.
Sikolohismo naginging mabisa kapag ang isang tauhan ay
nakikipagtunggali sa kanyang sarili. Tinitingnan dito kung ang aksyon ng tauhan ay itinutulak ng kanyang natatagong kamalayan (Subconscious mind)
Queer Kung
may feminismo na nagbibigay pansin sa kababaihan, ang teoryang ito naman ay
nagbibigay pansin sa homosekswalidad.
Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao
at ng mundo. Kultural Ang
layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi
ay natatangi.
Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay
ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
PAGSULAT NG
KOMPOSISYON
-maituturing na pinakapayak
na paraan ng pagsulat.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG KOMPOSISYON:
Paksa Mahalaga ang paksa
o tema sa isang akdang susulatin sapagkat kung wala ito walang susulatin,
ito ang nagsisilbing buhay ng isang komposisyon. Saan makukuha ang paksa? Ito
ay nasa paligid lamang, kailangan lamang maging mapagmasid abuhay ang pandama
ng taong nais sumulat.
Pamagat Lahat ng akda ay may
pamagat, papaano ba ito nililikha narito ang ilang mungkahi ; a.Ang pamagat ay
maaring pinakadiwa ng komposisyon, b.Pinakamahalagang bagay sa komposisyon,
b.Maari ding gamitin ang lugar o tagpuan ng komposisyon at d. Mula sa pangalan ng
pangunahing tauhan o mahalagang tauhan.
Pagsisimula Kadalasang sa simula
tinutukoy ang pinakapaksa ng komposisyon, may layunin din itong gamiting
panawag pansin,narito ang ilang mungkahi;a. Paggamit ng sipi,b. Pagtatanong,c.
Paggamit ng makatawag pansing pangungsap,d.Pambungad na pagsasalaysay, e. Mga
petsa o bahagi ng kasaysayan,f.Ilahad ang suliraning papaksain,g. Maari ding
gumamit ng salitaan o dayalogo at h. paggamit ng kawikaan o salawikain.
Pagwawakas Ito ang huling binabasa ng
mga mambabasa at nakikintal sa kanilang mga isipan. Dahil dito maaring ulitin o
buurin sa wakas ang mahalagang kaisipang tinalakay sa akda. Narito ang ilang
paraan; a. Pagbibigay ng buod ng paksa,b.Pag-iwan ng isang tanong, c.Mag-iwan
ng hamon, d. Maaring gimawa ng panghuhula, f. Magwakas sa angkop na sipi, g.
Maaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula
IBA’T-IBANG
KLASIPIKASYON NG AKDANG PAMPANITIKAN
SANAYSAY- Isang uri ng paglalahad,na bukod sa pagpapaliwanag ay
kinapapalooban ito ng sariling palagay
at kuro-kuro ng may-akda hinggil sa kanyang paksa. Ayon kay Alejandro Abadilla,
and “Sanaysay” ay hango sa parilalang “sanay ng salaysay” sapagkat dito
inihahayag ng sumulat pagkat dito inihahayag ng sumulat ang sarili niyang
karanasan.
MGA
URI NG SANAYSAY
MALAYA O DI
PORMAL/IMPORMAL Isang uri ng sanaysay na may
pagkamalapit sa mga mambabasa sapagkat nasususlat ito na parang nakikipag-usap
lamang ang may-akda sa kanyang mambabasa. Kadalasang ang malayang sanaysay ay
di na gaanong sinaliksik sapagkat karaniwan ito ay ukol sa mga sariling karanasan
at mga kuro-kuro o palagay.
MAANYO O
PORMAL Ang paglalahad ay maingat, maayos at mabisa.
Pinipiling mabuti ang mga salita at ang mga pahayag ay pinag-uukulan ng
masusing pag-aaral o pananaliksik.
TULA- masining na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ito ay sinusukat ng
maingat at piling-pili ang mga salita.
MGA ELEMENTO NG TULA
- Tugma- ito ang pagkakasintunog
ng huling pantig sa hulihan ng mga taludtod ng saknong.
- Sukat- bilang ng pantig sa
bawat taludtod, maaeing wawaluhin, lalabindalawahin, lalabinganimin at
lalabingwaluhin.
- Talinhaga- taglay nito ang
pahayag na may natatagong kahulugan. Gumagamit ito ng tayutay.
- Kariktan- Ito ang kagandahang
taglay ng tula. Nakaaakit ang magaganda at mga piling salita gayundin din ang maayos na pagpapahayag
ng kaisipan at damdamin. Ito ang siyang nakakapukaw sa mga mambabasa.
MAIKLING KATHA O MAIKLING KWENTO-
Sangay ng isang
salaysay na may isang kakintalan. Taglay nito ang isang madulang bahagi ng buhay
na tinatalakay, may isang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin at ng
iba pang kaunting tauhan, may mahalagang tagpuan, mabilis ang takbo ng mga
pangyayari na pataan ang kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad ding
sinusundan ng wakas.
SANGKAP NG ISANG MAIKLING KWENTO
- Tauhan- siya ang taong akala mo
ay buhay na likha ng awtor sa pamamagitan ng panulat. Sila ang mga
kumikilos sa kwento.
- Tagpuan- ito ang pook o lugar at
oras na pinangyayarihan ng kwento na itinakda ng may akda. Ito’y ginagawa
ng awtor na maging makatotohanan upang ang daigdig na inilalarawan niya sa
imahinasyon ng mambabasa ay lubos na matanggap.
- Banghay- ito ang kawing-kawing na
mga pangyayari na sa sandaling makalas ay wakas na ang kwento. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay pasidhi ng pasidhi hanggang maabot
ang tuktok ng kaigtingan na tinatawag na kasukdulan.
- Tunggalian- sa takbo ng mga
pangyayari, ito ang nagbibigay ng mga kapanabikan kaya nagpapatuloy ang
pagtunghay sa kwento ang mambabasa. Maaring ang tunggalian ay tao sa tao,
tao laban sa hayop, tao laban sa kalikasan, atbp.
- Kasukdulan- Ito ang rurok ng mga
tunggalian na wai ay hindi na makahinga ang mambabasa sa matinding
kapana-panabik ba pangyayari sa kwento.
- Wakas- Ang katapusan ng mga
pangyayari sa nagdaang kasaukdulan.
DULA- Isang uri ng kwento na itinatanghal sa entablado o
teatro. Nailalarawan ng isang dula ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga
dayalog.
SANGKAP
NG ISANG DULA
- Banghay- pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa dula, nahahati ito sa yugto at tagpo.
- Tauhan- Mga tagatanghal ng mga
pangyayaring nais ilantad ng kwento, mga nagsisiganap sa dula.
- Kaisipan- ang syang kabuuan ng
dula naiiwan sa isipan ng sinumang manonood, ito ang produkto ng banghay
at ng tauhan.
- Ang dakilang palabas o
Spectacle- ang mga bagay-bagay na nakikita ng mga manonood sa tanghalan.
Kabilang dito ang mga kagamitan at tanawin sa tanghalan, ilaw, kasuotan,
blocking at musika, tunog atbp.
NOBELA- Isang mahabang kwento na nagsasalaysay ng anumang
bagay, kabuuan man o isang bahagi na isinulat upang makapagpalugod sa mga
mambabasa. Hinahati ang nobela sa mga kabanata dahil sa kahabaan nito.
TUNGGALIAN- Isa sa mahalagang sangkap ng
nobela na nagpapaigting ng pananabik sa mga mambabasa. Nagaganap ang tunggalian
matapos maganap ang suliranin sa isa sa mga tauhan.
URI
NG TUNGGALIAN
- Tao laban sa Tao
- Tao laban sa kanyang Sarili
- Tao laban sa Lipunan
- Tao laban sa kanyang Kalikasan
- Tao laban sa Hayop
Wednesday, May 22, 2013
The Moon Represents my heart (English and Filipino mash-up)
An original song by the legendary Chinese singer Teresa Teng, this was arranged for our group performance
I.
You asked me if my love is true;
I said it's really true.
My heart is true,
My love is you,
The moon represents my heart.
II.
Tinatanong kung tunay ba,
Yaring pag-ibig ko.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal.
III.
Yakap ng pag-ibig mo,
Ay dama ng puso ko.
Kahit na malayo ka,
Dama pa rin pag-ibig mo
IV.
Tinatanong kung tunay ba,
Yaring pag-ibig ko.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal.
V.
When you hold me in your arms
Gives my heart the feeling of warmth
Even if you are not here,
I still feel your loving heart.
VI.
You asked me if my love is true;
I said it's really true.
My heart is true,
My love is you,
The moon represents my heart.
VII.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal...
I.
You asked me if my love is true;
I said it's really true.
My heart is true,
My love is you,
The moon represents my heart.
II.
Tinatanong kung tunay ba,
Yaring pag-ibig ko.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal.
III.
Yakap ng pag-ibig mo,
Ay dama ng puso ko.
Kahit na malayo ka,
Dama pa rin pag-ibig mo
IV.
Tinatanong kung tunay ba,
Yaring pag-ibig ko.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal.
V.
When you hold me in your arms
Gives my heart the feeling of warmth
Even if you are not here,
I still feel your loving heart.
VI.
You asked me if my love is true;
I said it's really true.
My heart is true,
My love is you,
The moon represents my heart.
VII.
Pag-ibig ko'y tapat,
Di magwawakas,
Kailan man, ikaw ang mahal...
On learning a new language...
It is my dream to be multilingual.
Being born in a family with Tagalog as the mother tongue, and English as a second language, I dreamed of knowing more...
Misunderstandings can be cleared by knowing one's language or dialect, that is what I firmly believed... so when I was told to go on a training in learning Chinese Mandarin, i did not hesitate...well okay so I hesitated a bit, because it was a one month training...and I told myself that since I know a few Chinese words it would not be a problem. boy, was I wrong, when i started the class, I told myself, "What was I thinking?" it is harder than it looked...
Thank God I met a bunch of people who have made the training worthwhile, thanks to them I found the courage to take on this challenge, most of my classmates studious ways are so infectious that it did get to me, I was infected... I am the type of person who is not fond of studying, but I do not know, something came over me that time that it made me learn fast,and also memorize too, just don't ask me about the dreaded four tones...
The days went by smoothly, studying, a little goofing around, strange adventures, unforgettable memories, and the drama, combined with nice laoshis...my month has never been fruitful...
Relationships has emerged, new connections has emerged,friendship from a far...ahh so many memories that even my humble camera cannot save, but the good thing is, I have packed lots of memories in my mind and in my heart...
Being born in a family with Tagalog as the mother tongue, and English as a second language, I dreamed of knowing more...
Misunderstandings can be cleared by knowing one's language or dialect, that is what I firmly believed... so when I was told to go on a training in learning Chinese Mandarin, i did not hesitate...well okay so I hesitated a bit, because it was a one month training...and I told myself that since I know a few Chinese words it would not be a problem. boy, was I wrong, when i started the class, I told myself, "What was I thinking?" it is harder than it looked...
Thank God I met a bunch of people who have made the training worthwhile, thanks to them I found the courage to take on this challenge, most of my classmates studious ways are so infectious that it did get to me, I was infected... I am the type of person who is not fond of studying, but I do not know, something came over me that time that it made me learn fast,and also memorize too, just don't ask me about the dreaded four tones...
The days went by smoothly, studying, a little goofing around, strange adventures, unforgettable memories, and the drama, combined with nice laoshis...my month has never been fruitful...
Subscribe to:
Posts (Atom)