Ako si
hindi
ako…
nobela ni
Romeo De Castro Jr.
Kabanata 1-5Kabanata 1
Ako si Patrick…
Oo
hindi ako gwapo, sasabihin ko na ang “p” word, panget ako at tanggap ko yun.
Sabi nga nila sa Ingles “You can’t have
them all…”, pag gwapo ka, kalabisan na kung mayaman ka pa o talented ka pa,
marami ang nagsasabing nasa kanila na ang lahat, pero talaga kayang nasa kanila
na ang lahat?
Currently, I am a teacher, teaching English and
Chinese Mandarin sa isang public school sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Oo tama ang nabasa mo, sa isang public school ako
nagtuturo at wag mo nang tanungin kung bakit may Chinese Mandarin na subject,
iba na ang mga high school ngayon kaysa noong nag-aaral ka pa…
Hindi
ako gwapo…pangit ako…but my personality
rocks, kahit na mukhang kinulang ng isang step sa evolution of man ang
aking mukha (sayang, malapit na sana
akong magmukhang matinee idol, mukhang naexcite si God at inilabas na ako agad
sa oven, half-baked tuloy…). Anyway, that doesn’t bother me kahit no girlfriend since birth ako, sabi
naman nila I am a man with many talents,
I can sing, I can draw and paint pictures, I can dance, I can write poetry…kung
tutuusin I can make any woman fall in-love with me pero I don’t want just any
woman, I want…
“Huy…nagsusulat
ka nanaman sa blog mo? Thirty minutes na lang klase mo na…”
I
want that woman, yung nagsalita sa likuran ko kanina habang nagtatypeako ng
blog sa aking laptop.Siya si Amihan
Marcos (talagang Amihan ang pangalan nya, hippie kasi yung tatay nya,
makabayang envirolmentalist naman yung nanay nya kaya ayun…). Nung nasa college
kami sya ang unang kumausap sa akin, at nagkataon na pareho kaming English
major. Sampu lang kami na magkakaklase, yung walo mga seryoso sa pag-aaral,
parang di tumatawa yun ang comment nya, kaya sa akin sya nakipag-usap (Siguro
dahil mukha akong clown…).She is way out
of my league, kaya hanggang bestfriend lang ang inabot ko, Miss college of
Education sya at Second runner up sa Miss University, ako naman Mr. Halloween
at Mr. Undas(joke lang). Kahit lagi kaming magkasama walang nagsabi na
magkasintahan kami (wish ko nga may tsismis na kumalat e, pero wala e…).
Nagtapos kami ng college at ngayon sa aming twenties ay permanent teachers na
sa Nueva Ecija High School.
Sya
nga pala ako si Patrick…Patrick Capalaran…Twenty-four
years of age, nakatira sa bahay ng aking mga magulang, may secret crush sa
aking bestfriend na co-teacher ko na rin at isang taon nang permanent
teacher.
Break
time ngayon at vacant period ko before that, I have only twenty minutes left,
hindi nagdadaldalan ang mga co-teacher ko ngayon, tahimik silang nanonood ng
mga rerun ng mga teleserye na di nila napanood dahil nasa school sila, may DVD
na kasi. One time super sikat ang teleseryeng “Para sa iyo ang puso ko” Yung artista dun na babae, iniimagine ko nasana
si Amihan yun at yung lalaki ay ako. Ubod naman ng gwapo yung lalaki bagay sa
kanya ang gumanap na anak mayaman.Baka pag ako ang inilagay sa teleserye, pang goons ng kontrabida o kaya e pag
kailangang may ipalapa sa leon o ihulog sa bangin baka yun ang ibigay sa akin (na
role).
“Ilang
taon na kaya yang si Nathan Cruz?Ang gwapo nya no?”
“Three
years ago yang teleserye na iyan, that time e… eighteen years old sya so mga
twenty-one na sya ngayon…”
Nagtsitsismisan
na ang mga co-teachers ko. Yung unang nagtanong si Sir John, at yung sumagot si
Ma’am Rosalie. Marami kang matututunan pag nakinig ka sa kanilang mga usapan,
mapapolitics, showbiz o kahit supernatural pa yan, the sky is the limit sa mga
topic nila, ngayon naman ay pinag-uusapan nila ang teen heartthrob na bida dun sa teleserye…
“It’s
sad, kasi yung mga current show nya ay hindi nagrarate, siguro it’s because
hindi na nya mahigitan yung character na pinortray nya sa series na ito”
Nagiging film and television critic na si sir John…
“Oo
nga, sabi nga sa dyaryo, baka matsugi na yung show nya…ganyan talaga pag
biglang sikat, bigla ring bagsak…” Comment naman ni Ma’am Rosalie.
“Patrick,
ano masasabi mo sa taong to?” teka bakit pati ako dapat may say?
“Uhh…kasi
yung mga tao ang tingin sa kanya e pretty face lang sya, one-trick pony kung
baga…”wow nabilib naman ako sa comment ko kahit na hindi ko naman talaga alam
ang buhay nung tinutukoy ko na artista, ang alam ko lang ay yung teleserye…
“Indeed,
kasi lagi syang naitytype cast as anak mayaman, always the same role, kaya
nanawa na ang tao sa kanya…” Maka “indeed”
naman si Ma’am Rosalie wagas…
“Hay
naku, ang dapat dyan sa artista na yan magbreak muna and then magcomeback sya,
ireinvent nya yung sarili nya…” Sumingit si Amihan na galing ng C.R.
“Di
ba crush mo yang si Nathan Cruz, ba’t mo naman hinihiling na magbreak sya sa
showbiz?” Biro ni sir John, nagblush si Amihan.
“Uuuuy
nagblush sya…crush mo pa rin hanggang ngayon ano?” Hay, si Ma’am Rosalie talaga,
nanukso pa…
“Crush
lang naman, meron na talaga akong gusto…di ko lang alam kung gusto nya rin
ako…” Mabilis na comment ni Amihan. May secret love sya? Sino?Si sir De Guzman
kaya ng Math Department?Si Sir Cortez ng MAPEH?sino? Ngayon may palaisipan pa
ako sa isip ko…
Pero
bago pa man ako makapagcomment nagring na ang bell, tapos na ang break.
Kabanata
2
Ako si Nathan Cruz…
Gusto ko nang mawala sa
mundong ito…
Hanggang magandang
mukha lang ang mayroon ako, yun ang sabi ng lahat sa akin…Galit si Papa sa akin
dahil pinili kong mag-artista kaysa ang mag-aral sa kolehiyo, dapat nasa third
year na ako noon, ako daw ang kaisa-isang anak na lalaki na dapat magmana ng
negosyo pero binigo ko sya…
Three years na akong di
kinikibo ni Papa, si Mama wala ding magawa, may kanya-kanya nang mga buhay ang
tatlo kong kapatid na babae, may mga asawa na lahat…
Kasikatan, yon ang
aking hinangad, an easy way…yung wala
nang paghihirap. Nakamtan ko naman agad yun nang nagkaroon ako ng unang
starring role ko, nagsunod-sunod ang mga projects ko, pati mga commercial
endorsements…
Na-link kung
kani-kanino na mga young stars, pinag-usapan ang aking mga pagkakamali at mga
pagpupunyagi, nakisaya ang lahat pag matagumpay ako, pero pag malungkot ako,
mag-isa ako…walang kaibigan, walang nagmamahal kahit kapamilya…
“Nathan, next week na
ang last shooting day ng teleserye mo” pumasok ang aking manager na si Marie para sabihin ang balita.
“It can’t be helped,
sobrang baba ng ratings…” At sa ending noon lalabas na sa akin isisisi ang
pagkabigo ng project.
“Well, maghahanap na
lang tayo nang mas magandang project…”
“Ate Marie, I need a
break…”
“Break?Pag umalis ka
baka ala ka nang career na babalikan…”
Kinuha ko yung susi ng
kotse, at nagbihis, gusto ko nang umalis muna sa condo ko at magdrive ng walang
hinto…recently di maganda ang mga feedback sa akin, ang mga bashers ko ay sobra
na kung magcomment. It made me doubt
myself, Am I just a pretty face? Wala na… hanggang dun na lang period. Sabi
nila masarap ang maging artista, but why
do I feel so empty, what is my purpose?
“Wait Nathan, nakainom
ka, you can’t drive!”
“Don’t worry ate, I’ll
be safe…” Or am I? Am I really be safe
knowing that I no longer have the will to live?
“Nathan…Nathan!”
Hindi ko na pinakinggan
si Marie, umalis na lang ako at nagdrive…If
I go right now, then so be it… They can cancel my show, I don’t give a damn,
they can call me a flop, I don’t give a shit…but they cannot judge who I am…
This time I am going to show them…
And the last thing that
I remember was a light and a loud crash…
Young Aktor,kritikal dahil sa drunk driving
Kritikal ngayon ang
lagay ng actor na si Nathan Cruz sa Makati Medical Center matapos nyang banggain
ang isang delivery truck sa kahabaan ng EDSA kagabi.
Nakaligtas ang driver
ng nasabing truck na nagtamo lamang ng kaunting galos, habang si Cruz ay hindi
pa rin nagigising hanggang sa ngayon.
Matatandaan si Cruz sa
pagganap nya bilang Allan sa
teleseryeng Para sa iyo ang puso ko
at bilang si Robert sa papatapos
nang teleseryeng Ikaw.
Ito na ang huli kong
performance,magsasara na ang telon para sa akin, mawawala na ang ningning ng
aking bituin…paalam na sa mundo…
Kabanata 3
Ang huling araw ni Patrick
Capalaran…
“Sir, number five question na po
tayo…”
Back to reality na ako, kanina pa
pala ako tulala kasi kakaisip kung sino yung gusto ni Amihan na lalaki. Yun
kayang ex-boyfriend nya na dumurog ng puso nya? Hindi pa kaya sya
nakapagmove-on…I heard University professor na ngayon yung mokong na yun, at
mukhang di na babaero, nagtino na…tanga kasi sya at pinawalan pa nya si Amihan.
“Okay
class, question number five is…” Kailangan siguro kumilos na rin ako, irisk
ko na ang friendship naming ni Amihan, dahil pag di ko nasabi ang nararamdaman
ko sa kanya, I think…no…I am going to
regret it for the rest of my life…Take the risk Patrick,manalo man o matalo
no regrets dapat…
So namalayan ko na lang ang sarili
ko na nasa isang jewelry store sa isang mall at bumibili ng kwintas…Tonight I am going to ask her to be my
girlfriend…
“Hello, Ami…free ka ba tonight,
samahan mo naman ako na manood ng sine…” Palusot lang pero date talaga ito…
“Anong palabas ba papanoorin natin?”
Uhhh…hindi ko alam kung ano ang showing sa cinema ngayon,sira ang palusot…
“Sige na…ililibre kita ng dinner
after pag sinamahan mo ako…”Change topic ang drama para makalusot ulit.
“Talaga?Sa may Japanese resto tayo
ha…” Sure, kahit sa Korea pa tayo kumain…this is it na para sa akin…
“Sige sunduin kita mamayang six pm…”
“Okay…sige gagawa pa ako ng lesson
plan, I’m hanging up…bye…”
I am glad na nagwork-out ang first
step ng aking plano, pag uwi ko abot tenga pa rin ang aking ngiti, nanood si
nanay ng TV, mukhang nagdradrama marathon nanaman ang nanay ko…
“Alam
mo yang si Nathan Cruz has the looks that would put K-pop idols to shame or
even Hollywood superstars…”Sa showbiz pag may masamang nangyari sa’yo puro
positive ang comment lalo na kung namatay ka, pero nung okay naman ang artista
na yan, puro negative feedbacks ang natatanggap nya.
“Nay, ano naman yang pinapanood
nyo?” Hindi ba obvious na showbiz talk show? Ala lang, para lang maka-usap ko
si nanay na mukhang hindi ako napansing pumasok dahil busy sa panonood.
“Ay eto yung bida nung teleserye
dati na gusto ko, naaksidente, comatose daw ngayon sa ospital…hay kawawa
naman…”
“O bakit ka naman umiiyak Patricia?”
napansin ko ang little sister ko na kasama rin pala ni nanay na nanonood.
“Hay, hayaan mo na yang kapatid mo,
crush na crush kasi nya yang si Nathan Cruz, di mo ba alam na marami syang
clippings ng artista na yan, nakafolder pa nga e…” Crush din ni Patricia si
Nathan Cruz, ngayon ko lang nalaman yon…
“Nay…kailangan kong magprayer
vigil…hindi ito pwede…hindi sya pwedeng mawala sa akin…” Natatawa ako deep
inside, pinigil ko na lang na lumabas, magpraprayer vigil pa ang kapatid ko
para sa isang artistang di naman sya kilala…
“Nay may lakad kami ni Ami mamaya,
kukunin ko yung jeep…”
Yung jeep naming kakarag-karag. Ten years na ata sa pamilya
naming yung jeep. At heto ako papunta na sa bahay nila Amihan…ng biglang
huminto ang jeep sa gitna ng walang ilaw na kalsada, alas sais na nun…late na
ako…Bakit naman ngayon pa nangyari ito?
Isa pang kamalasan pag labas ko ng
jeep… “Holdap to…” dalawang lalaki ang sumalubong sa akin tinutukan ako ng
baril.
“Ibibigay ko na lang po lahat ng
pera ko, wag nyo na po akong saktan…”kinapkapan ako ng mga holdaper, nakapkap
yung kwintas…
“Uyy, jackpot mukhang mamahalin to
pre…”
“Kunin nyo na po lahat, wag lang
yan” hanggang sa instinct ko na ata ang nagtake-over sa akin, nakikipag-agawan
na ako sa dalawang lalaki…
Umalingaw-ngaw ang putok ng baril,
may naramdaman akong mainit na tumama sa aking sikmura…at may lumabas na dugo…
“Sibat na tayo pre…” nakahandusay na
ako sa kalsada, walang nakakita at natakpan ng jeep na bulok ang pangyayari,
wala ring gaanong tao sa lugar na iyon…lumalabo na ang aking paningin…
Ayoko pang mamatay…tulungan nyo
ako…ayoko pang mamatay…
Kabanata 4
Ako si…
“Nasaan
ako?” Patay na ba ako, yun ang unang pumasok sa isip ko…
“Hindi ko rin alam kung nasaan na
tayo…” nagsalita ang isang lalaki sa likuran ko, nakaputi sya ng damit,
wait…nakaputi rin ako! Anong nangyari bakit bigla akong nagbihis?
“A-anghel ka ba?”
Natawa ang lalaki, “You wish…” parang pamilyar yung lalaki
pero di ko maalala.
“Alam mo ang natatandaan ko may
bumaril sa akin tapos nandito na ako…” weird talaga yung nangyayari, weird at
late na ako sa date namin ni Ami…
“Ang naaalala ko nagdridrive ako
tapos nang magising ako nandito na ako sa kwartong ito…”
“Kailangan kong makabalik…may date
pa ako…”
“Owws hindi nga?” Hindi naniniwala
sa akin ang lalaking to porke ba’t…naku kung di lang ako nakapagpigil…
“Oo nga, may kadate ako at late na
ako…o may dalawang puting pinto, asan dyan ang exit?”
“ Di ko alam,so this is what happens when you die…” mukhang gusto talagang mamatay
ng lalaking kausap ko, sayang naman at mukhang artistahin sya, mukhang wala
naman syang paghihirap na dinaanan…
“Bakit parang tanggap mo agad?”
“Because
I am no longer needed on earth…” malungkot nyang sinabi…
“Alam mo lahat ng tao may purpose sa mundo…” teka nga pala bakit
kami lang ang tao sa room na ito? Baka joke lang to, pinagsama ang gwapo at
panget sa isang room for comparison and
contrast, nasa big brother house ba ako?
“Well
I have served my purpose and I think hanggang dun na lang yon…”
“Ako marami pa akong dapat gawin…”
Napansin ko na ang mga puting pinto ay nagbago ng kulay…ang isa ay blue at red
ang isa…
“I think tig-isa tayo ng pinto
dyan…” sabi nung lalaki…anong color ang sa akin? at ano ang meaning ng mga
colors na yon…heaven and hell?
“So anong kulay ang sa iyo dyan?”
tanong ko sa lalaki…ngumiti sya at nagtungo sa blue door…
“I
think this one is for me…” Blue door na baka sa heaven maglelead…at ang sa
akin? Red door na sa…na sa…hell maglelead? Hanggang sa death ba naman ay may
discrimination sa gwapo at panget…pag panget impyerno agad?
“Papaano mo naman nalaman na para
sa’yo yan?”
“Hindi mo ba nararamdaman na parang
may tumatawag sa kabilang side ng pinto? I
heard a voice calling me to go through this door…” Ipinikit ko ang mata ko
at tama sya…may tumatawag nga sa akin sa pulang pinto…mahina lang pero alam
kong ako ang tinatawag nya…
Binuksan na nung lalaki yung asul na
pinto, nagliwanag ang buong kwarto, ngumiti yung lalaki… “Well my friend, this is goodbye…nice meeting you…ako nga pala si…”
Bago pa man nya masabi, nilamon na sya ng liwanag at naglaho…
Kinabahan tuloy ako, sino ba ang
tumatawag sa akin? Si Satanas? Mabait naman ako sa earth ah…well kailangan na
rin siguro na magmove on, hanggang dun na lang siguro talaga ang buhay ko…Pero
di ba ako pwede sa blue door din…pinuntahan ko ang blue na pinto pero ayaw
nitong mabuksan, at napansin ko na naging puti ulit ito hanggang sa naging
pader…Talagang itinira sa akin yung pulang pinto…narinig ko nanaman yung
tumatawag sa akin…
Sige na nga buksan na natin…que serra, serra…whatever will be, will be…
ganon din sa asul na pinto ang nangyari… nagliwanag din ang buong silid, wala
akong makita sa loob ng papasukin ko kundi nakakasilaw na liwanag…
Nawalan ako ng malay…nagising na
lang ako sa isang ospital…salamat naman at hindi pa ako patay…
“Nurse, nagising na sya…tumawag kayo
ng doktor!” Teka sino yun?Kamag-anak ba namin yun?
“Anak…mama mo ito…you’ll be okay now
anak… Narciso, gising na ang anak natin…”
Anak? Hindi ko naman sila magulang…Sino ba ang mga ito?
“Nathan anak…I’m sorry…I’m so
sorry…I promise na hindi na kita pipilitin sa ayaw mong gawin…” Maluhaluha pa
yung lalaki pero di ko sya kilala, at ano yung tinawag nya sa akin?
Nathan? Teka ako si…and then my mind
went blank…nakatulog ata ako…
Kabanata 5
Ako si…hindi ako…
“
Kamangha-mangha po ang recovery ng inyong anak, after one week po almost
totally healed na ang kanyang mga sugat, wala rin po kaming nakitang damage sa
kanyang ulo na expected naming ay mayroon, after two days pwede na syang
idischarge…” Nagising ako sa isang kwarto…ospital ba ito o hotel?
“Pero bakit dok nakatulog ulit
sya…baka hindi ulit sya magising?” Sabi ng babae…
“Don’t worry po madam, one week po
kasi syang nacomatose kaya hindi pa ganon kafunctional yung mga system nya, he
is now okay po, infact gising na po sya…hello Nathan!” Napansin nung doctor na
nagoobserve ako sa paligid.
“Nathan, ang bunso ko…thank God…”
hinawakan ng babae yung kamay ko…
“Nathan ang papa ito, how are you
feeling now son?”Mama, Papa?kailan pa ako nagkapangalawang magulang…asan si nanay
at Patricia?
“N-Nathan? S-sino pong N-Nathan?
S-sino po kayo?” Yun na lang ang naitanong ko…
“D-dok I thought you said my son is
fine…b-bakit di nya kami makilala?”
“S-sir…I think temporary amnesia
lang yan…he will eventually remember everything, siguro po ay gawa lang ng
trauma nung accident…”
“O sige anak…magpahinga ka, we will
be just outside if you need us…”
“A-anong...ah…salamin po…salamin…”
Yun ang naisip ko…may hinala kasi ako na nabubuo…
“Salamin?wait anak…kukunin ko sa bag
ko…” Kinuha ng babae ang isang hand mirror at inabot sa akin…
“S-sino ito?s-sino?” Sino ang nasa
salamin…hindi ako ang nasa salamin, Iba ang mukha ng nakikita ko… “M-may iba pa
po bang salamin?”
“Bakit iho? Ano bang problema, hindi
naman nadamage ang mukha mo, makakapag-artista ka pa don’t worry…” Sabi nung
babae habang kinukuhasa akin yung salamin.
Artista…ako? Nagising ba ako sa
isang parallel universe na kung saan pogi ako at iba ang parents ko…at yung tinawag nila sa
akin…Nathan…at yung mukha sa salamin…parang nakita ko na…parang…pero di ko
maalala…alam ko nakita ko na ang mukhang iyon…
“I’m glad you are okay, tinakot mo
kami…” May isa pang babae ang pumasok,medyo may katabaan at maliit. Kahit na
anong alala ko di ko kilala ang babaeng yun, maikli ang buhok nya pero mukhang
donya… “Nagpapasabi yung production ng Ikaw
na next week na lang inisked yung shoot, pagaling ka daw muna…”
Ikaw,
yung teleserye…Nathan?Ako si Nathan Cruz?Papaanong?This must be a dream, matutulog ako at paggising ko magigising ako
sa galit na mukha ni Amihan na inindyan ko sa lakad namin.
Umaga na, nagising ako wala akong
bantay sa kwarto…naglakad ako sa banyo at tumitig sa salamin, iba ang nakita
ko, hindi si Patrick Capalaran…Anong nangyayari, anong nangyayari? Itinaas ko
ang aking damit, may abs ako, maganda ang katawan, ang alam kong katawan ko ay
parang katawan ng bagong kapapanganak, anong nagyayari? This can’t be happening…Nagkapalit ba kami ng katawan ni
Nathan…which means na sya ang nasa katawan ko ngayon?Twenty four years old na ako,
at ang katawan ko ngayon ay twenty-one years old na artista.
Kailangan kong malaman kung ano ang
nangyari sa akin, kay Nathan, kay Patrick…ahhh whatever…
“O iho bakit nakatayo ka na dyan you
are not fully healed…” Sabi nung babae na tumatawag sa akin na anak…may mga
dala syang pagkain…Kailangan kong malaman ang nangyayari, therefore I need to
play along para magawa ko yun…
“Ayos na po Mama…”
“Oh…you remembered…oh my God, thank
you” maluha-luha akong inakap nung babae…
Tumingin ako sa may bintana, wala na
ako sa Cabanatuan, nasa Maynila na ako, at ang alam ko na ako ay hindi ako…
No comments:
Post a Comment