Kabanata 6
Si Patrick…Si Nathan…
Nakalabas
na ako ng ospital, mahirap magpanggap na alam ko ang mga ginagawa ko, isang
linggo akong mamahinga ayon dun sa matabang babae na manager ko daw pala at
Marie ang pangalan nya. Kaunting sugat lang ang tinamo ko dahil daw yon sa
aksidente na ang sanhi ay drunk driving, may kaso nga ako ngayon pero inayos na
ng manager ko daw at ng abogado na ipinadala ni papa ko daw. May mga dumalaw pa
sa akin na mga babae, mga kapatid ko daw sila, Si ate Sarah, ate Eve at ate
Lean. Mga nakatira sila sa iba ng bahay at may mga asawa na. Ako, nakatira kasama ng aking so called parents. Nakakalula
ang bahay nila, parang mall sa laki, at yung kwarto ko ay parang buong bahay na
namin sa Cabanatuan. Mayaman pala ang tatay ni Nathan, sya ang chairman ng
White Cross group of companies, ang kumpanya na balang araw kung hindi
nag-artista si Nathan ay sa kanya mapupunta. Mala telenovela rin pala ang buhay nitong si Nathan. Two days
na ako dito sa bahay, wala man lamang dumadalaw na kaibigan, may kaibigan kaya
sya? Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas, swerte sa part na from time to
time tinitingnan ko pa rin sa salamin ang itsura ko, para akong tumitingin sa
isang greek sculpture, perfect ang itsura mula ulo hanggang paa, mayaman,
sikat, nasa kanya na ata ang lahat…Pero sa isang banda, ano na ang mangyayari
kay Amihan, ang magandang si Amihan, baka magkabalikan sila ng exboyfriend
nyang babaero slash nagbago na daw kaya ginugusto ulit ni Ami?
Ang nakakainis pa ay I don’t have a way of knowingkung anong
nangyari sa akin…kay Nathan…Kay Patrick…whatever…
Wala
nga bang paraan? Nakita ko ang isang laptop, holy…macbook ito, hindi ko alam
gamitin…hanggang Microsoft windows lang kasi ako, hindi uso sa mga teacher ang
mga sosyal na gadget gaya nyan… ah cellphone…nakita ko ang tatlong cellphone,
bwiset may password lahat, at hindi ko naman alam kung ano ang mga iyon.
Tablet, may dalawang tablet sa drawer, isang Samsung at isang Apple,
please…please…wala sanang password o pattern…ahah…walang password yung mga
tablet…
Wifi
na lang ang problema…ahah! May wifi sa kwarto ko at nakaconnect lahat ng
tablet…I-oopen ko yung facebook ko at ichachat ko yung isa sa mga co teachers
ko. Binuksan ko yung Facebook, nakaautomatic ito sa isang fanpage ni Nathan, at
grabe ang nakasulat dun, out of one hundred na comments ninety siguro ang
negative, kawawa naman pala itong si Nathan, biktima ng cyber bullying at ng
mga taong nangbabash ng mga artista just to feel good about themselves…His life
is not perfect after all, a talentless actor, a one trick pony gaya ng sabi ko
noon which made me regret saying it…May journal si Nathan sa tablet nya at ang
huling entry ay nakakagulat…
I want to die…Yun
ang isinulat nya sa huling entry ng journal nya,wala syang kaibigan, ni
pamilya, o kahit sinong mahihingahan ng sama ng loob, kaya sa journal na lang
nya ibinubuhos, ngayon alam ko na kung bakit sya uminom tsaka nagdrive. Sa mga
entry nya, wala man lamang masayang nakasulat, puro kalungkutan. Mahirap pala
ang naging buhay ni Nathan Cruz…
Binuksan
ko ang facebook ko at nagulat ako sa nakasulat… ang mga nakapost dun ay di ko
maintindihan or ayaw kong intindihin…
Sir we will miss you, why did you leave so soon? Sir
bakit nyo kami iniwan, papaano na kami? We will seek justice for you sir! Sir
wherever you are you will always be in our hearts…
May
isang link ako naclick at lumabas ang
crime scene, Teacher hinold-up, nanlaban, patay…This can’t be happening, akala ko nagkapalit kami ng katawan,
pero…nasaan si Nathan? Nasaan ? Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan, marami
ang tumakbo sa isip ko, pero isa lang ang malinaw, papaano na si Amihan?
Papaano na kami…I was supposed to tell
her I love her all these years…Can’t we be together? Hindi ba kami para sa
isa’t-isa? Will I watch her go to another
man’s arm and not mine? Ang gulo, I am in a body but not my body, I am
Nathan but I am Patrick…May napansin akong message, galing kay Amihan,
ipinadala two days ago…
Hindi
ko alam kung bakit nagpadala sya ng message knowing that I am dead, or sobrang
depressed sya at kailangan nya akong kausapin for the last time…binuksan ko ang
message at hindi ako makapaniwala sa aking nabasa…
Patrick, bakit ka pa kailangang umalis, bakit
kailangan mo na kong iwan agad nang di ko pa nasasabi na ang taong gusto ko ay
ikaw…
Nagtuloy-tuloy
ang luha ko na syang nagpalabo ng aking mga mata…
Kabanata 7
Confession of the Wind
Matapos
kong pahiran ang aking mga luha binasa ko ang kabuuan ng message, it was a very
long message na for a long time ay pinangarap kong marinig sa kanya.
Patrick, bakit ka pa kailangang umalis, bakit
kailangan mo na kong iwan agad nang di ko pa nasasabi na ang taong gusto ko ay
ikaw…
Ikaw
ang taong nagpapaligaya sa akin, pag malungkot ako andyan ka palagi. You have
always been a friend, hindi ko masabi na gusto kita kasi baka lumayo ka pag
nalaman mo, ayokong masira angating friendship. I was selfish dahil hindi ko
sinabi ang nararamdaman ko, sinarili ko. You deserve to know the truth, the
truth that I see you as a man, as my man who will walk with me down the aisle.
May
gusto ako sa’yo pero andaya mo, iniwan mo ako bago ko masabi sa iyo…Hanggang
ngayon umiiyak pa rin ako just so you know at kasalanan mo ito. Hindi ko na
masasabi na mahal kita, hindi na kita mayayakap, wala na ang bestfriend ko,
wala na ang future boyfriend ko…wala na ang future husband ko…or simply wala na
ang future ko…
Nagreply ako sa message nya, I love you too…at narealize ko na ang
tanga tanga ko, kasi imbis na matuwa yung pinadalhan ko ay baka mamatay sa
takot yun at akalaing sinagot sya ng multo, gusto kong bawiin kaya lang di ko
alam kung papaano…
Kung natuloy ang pagtatapat ko kay
Amihan nung gabi na iyon, happy ending palasana, bakit naman kayo kumontra
Lord? Wala naman palang problema, gusto ko sya, gusto nya ako kahit na ganoon
ang itsura ko, Lord why? How can you do this to me? Ibabalibag ko sana yung
tablet kaya lang mahal e, sayang naman.
“Sir eto na po yung juice nyo at
gamot nyo.” Pumasok ang isang katulong at inabot yung mga iinumin ko na mga
pain killers.
“S-salamat…”Ngumiti ako at parang
nashock yung katulong, siguro dahil gwapo yung ngumiti sa kanya. “Bakit manang
parang nagulat ka?”
“Wala po sir…bihira po kasi kayong
ngumiti pag nasa bahay kayo…”
“Ganun ba? E bihira din naman akong
umuwi…” hula ko lang yun kasi ang alam ko may condo si Nathan sa Makati.
Sa dinner namin, parang awkward ang
dating kasi pati kilos ng mga katulong parang nag-aabang ng away na
magaganap.Nathan and Narciso Cruz Jr. ang mag-ama na hindi ingood terms pero
magkasabay ngayong kumakain sa isang hapag.
“So anak, may one week kang pahinga,
bakit hindi ka muna umuwi sa farm natin sa Nueva Ecija, magbakasyon ka dun nang
makalanghap ka ng sariwang hangin.” Nanlaki yung mata ko nung narinig ko ang
Nueva Ecija.
“S-saan pong farm?” Natawa ang aking
mama or mama ni Nathan sa tanong ko.
“Saan pa ba e di sa San Leonardo,
may farm tayo dun at rest house, at iyon ay malapit din naman sa Maynila, or
gusto mo dun sa farm natin sa Cebu?” sagot ng mama ni Nathan.
“I think dapat tayong magpaparty,
thanks giving sa bagong buhay nitong si Nathan.” comment ng papa ni Nathan, at
tila nagulat naman ang kanyang mama.
“That’s a wonderful idea Narciso,
dun natin gawin sa farm natin sa San Leonardo, tayong pamilya lang, kasama ang
mga anak natin at mga apo.”
“Pero sa Saturday natin gawin yon
Lilia,pagpahingahin natin sya ng weekdays dun then tsaka tayo pumunta lahat ng
Saturday.”
“Uhm, sige po maganda pong idea
yun…Papa, Mama…” medyo asiwa pa akong sabihin pero Nueva Ecija yun, kailangan
kong makapunta dun para malaman ko kung ano na ang nangyari sa akin…kay
Patrick…
At gusto kong balikan ang mundo na
aking iniwan.Dahil sa tingin ko ay wala nang bawian ang nagyaring ito, kahit na
anong isip ko ay wala akong mahanap na solusyon, kaya kailangan na lang magpatianod
sa agos, go with the flow ika nga nila.
Ngayon, hindi na ako si Patrick
Capalaran, ako na si Nathan Cruz, isang artista…Kung ano mang twisted fate ang
meron ako ngayon, I will just have to make out the most of it, the good thing
is I am alive…dahil bago ito mangyari ang huling nasabi ko ay ayoko pang
mamatay…
Kabanata 8
Celebrity at the Province
Nakakainis
naman itong katawang ito, kahit ano isuot ay okay, kahit siguro basahan e
mukhang branded pag suot nitong si Nathan. Nandito ako ngayon sa San Leonardo,
may farm ang mga Cruz dito at hindi basta-basta farm, isang malaking farm ang
tumambad sa akin, at may isang magandang bahay sa puso nito. May pagka-antique
ang motif ng bahay mula sa mga bintanang capiz hanggang sa mga interior nito na
puro kahoy. Iniwan na ko ng aking so-called parents dito. ipinagbilin na lang
ako sa katiwala nila na si Mang Erning.
“Senyorito, matagal na rin po na
hindi kayo napunta dito, noon bata pa kayo aba e ngayon e sikat na sikat na
kayo…” Sabi nung matanda.
“Ganun po ba, hayaan nyo pag may
oras ako uuwi ako dito palagi…” sa gilid may naririnig akong mga kinikilig na mga
babae, sino ba naman ang di kikiligin kay Nathan…
“Ah sila nga pala ang mga katulong
dito, si Onyang ay si Bebang.” Tinuro ng matanda ang dalawang babaeng tingin ko
ay nasa late twenties na nila. “Yung mga magulang nila ang dating katulong
dito, minana lang nila…” Hanep pati trabaho naipapamana na pala ngayon. Sila
pala yung kinikilig na mga babae. Lumapit sila sa akin at nanginginig na
nagsalita.
“Kumusta, ako nga pala si Nathan,
sana alagaan nyo akong mabuti ha.” Sabay ngiti, para bang yung napapanood ko sa
mga drama pag nagpapakilala.
“Y-yes s-s-sir…naku ang gwapo nyo
sir…pa picture po…” di na napigilan ni Onyang ang kanina pa siguro nyang balak.
“Sure why not? Asan yung camera
mo?”Inilabas nya ang cellphone nya at wow hanep iphone 5 ang cellphone
nya.Katulong ba talaga ito?
Aba ayos din itong si Mang Erning
naki-selfie rin sa amin. Ang laki ng bahay tatlo lang ang katulong. si Mang
Erning ang katiwala, si Onyang ang labandera at tagalinis, at si Bebang ang
tagapamalengke at tagaluto. Ah may isang driver pala na ipinadala si Papa kuno
ko, si Mang Jack. As of now ban pa akong magmaneho, alam nyo na drunk driving
na hindi na mangyayari kasi di naman ako umiinom. Pero may misyon ako kaya ako
andito, misyon ko ang alamin ang nangyari sa akin after ng insidente na iyon,
ang pagkamatay ko…este ni Patrick…na si Nathan…kahit ako naguguluhan.
“Mang Jack, gusto ko sanang maglibot
sa Cabanatuan, may dadalawin lang akong kaibigan, ipagdrive nyo nga ako dun?”
“Sige po senyorito, ngayon na po
ba?” Oo naman ngayon na sabi ko tuloy sa isip ko. Malamang. Nakabihis na nga
ako e. Pero dahil sikat itong si Nathan dapat hindi halata ang bihis. White
t-shirt, shades,jeans, cap at sandals, dapat ordinary looking lang para hindi
makanakaw atensyon, dahil kahit palaos na itong si Nathan, may fans pa rin sya
gaya ni Patricia.
Itinuro
ko yung daan sa bahay namin,este ang bahay ni Patrick, may burol nga doon. This
is surreal, aattend ako sa sariling burol ko. At sakto dahil bukas na ang
libing…ang libing ko…
“Sir,
namatay po yung kaibigan nyo?” Tanong ni Mang Jack na nagulat at nagtataka,
siguro dahil wala silang kilalang kaibigan ni Nathan.
Pumunta
ako at nanalanging walang makakilala sa akin, ang sasabihin ko na lang na
kaibigan ako ni Patrick, ng aking sarili. Sa tabi ng kabaong nakita ko ang
aking Nanay, papaano yan nasa abroad si Tatay? Diko mapigilang lumuha ng nakita
ko ang mga eksenang yun, si Patricia nagaasikaso ng mga bisita. Ibig ko nang
magsisi kung bakit pa ako pumunta kaya papalabas na ako ng gate nang biglang
may tumawag sa akin…or so I thought…
“Patrick…”
boses yun niAmihan, maluhaluha nyang boses… “Patrick andaya mo…Patrick ang daya
mo…iniwan mo ang bestfriend mo…”
Humarap
ako upang tingnan si Amihan na umiiyak sa aking kabaong. Kahit anong itsura
nya, umiiyak, tumatawa, o bagong gising para sa akin maganda pa rin sya…
“Excuse
me…” Napalingon ako at ang nakita ko ay si Sir John, ang co- teacher ko.
“Kamag-anak ka ba nila?”
“Uhh…”Sana
di nya ako makilala… “H-hindi, kaibigan
ako ni Patrick…”
“Sa
bagay, gwapo ka e imposible na kamag-anak ka…” Nang-insulto pa ang lalaking
ito.Sarap upakan ngayon din… “Pamilyar ang mukha mo sa akin,hindi ba’t…”
“N-Nathan
Cruz?” mula sa likuran ni Sir John narinig ko ang boses ni Patricia.
“P-paanong?” Nagkagulo ang mga tao sa lamay ko. Hindi ko na alam kung ano ang
nangyayari may nagpapapicture, may nakikipagkamay, may umaakap…
Pero
binawal naman yun ng mga tanod na anduon kaya nakapasok ako sa loob ng bahay na
hindi ko na sana gagawin.
Nakaharap
ko ang nanay ko at sa sulok noon ay nakaupo si Amihan na tila pinagsakluban ng
langit at lupa. “N-nakikiramay po ako nanay…” hindi ako makapaniwalang
tinitingnan ko ang dating ako sa isang kabaong…Hindi manlang inayos yung mukha
ko sa huling sandali, ang pangit ko pa rin.
“N-nabalitaan
ko po ang nangyari, kaya po pag labas ko po ng ospital humabol ako dito.”
“Hindi
nabanggit ni Patrick na magkaibigan kayo, na may kaibigan syang artista…”Sabi
ni Nanay na nagtataka, sa isang sulok, nakita ko si Patricia na nagpipigil na
tumili bilang respeto sa patay.
“Sa
email lang po at facebook, lagi po nyang pinalalakas ang loob ko, at nagkita na
rin po kami noong magtira sya sa Maynila ng isang buwan dahil sa seminar.”
Lusot na ako, dahil mag-isa lang akong nagseminar ng isang buwan sa Maynila.
“Maupo
ka muna iho, Patricia maglabas ka ng miryenda…” Dali-dali namang tumayo si
Patricia. Naupo ako sa tabi ni Amihan…
“Kaibigan
mo sya?” Yun ang tanong nya sa akin…habang pigil ang luha nya.
“Oo,
mabait kasi syang tao, madaling pakisamahan…at— “ Naputol ang sasabihin ko ng
umiyak nang tuluyan si Amihan…
“Hindi
sya mabait…kung mabait sya ay hindi nya ako iiwan…” Napaakap sya sa akin…
Sa
puntong iyon, gusto ko nang tumigil ang oras…pero alam ko naman na kalabisan na
iyon dahil binigyan na nga ako ng pangalawang pagkakataon…
Kabanata
9
Hindi
masarap magkape sa sarili monglamay…
Napaakap
si Amihan sa akin at paulit-ulit nyang sinabi ang “Bakit nya ako iniwan…bakit
nya ako iniwan?” Parang dinudurog ang puso ko sa mga salitang iyon…
“Hindi
kita iniwan…” Namalayan ko na lang na ibinulong ko sa kanya ang mga katagang
iyon at tumahan sya, napatingin sa akin…
“I-ikaw
si…” Nahalata kaya ni Amihan na ako ang bestfriend nya? Na ako si Patrick na
sinabihan nya sa facebook na future nya? “Ikaw si…Nathan Cruz?” Hindi pala ako
nakilala ni Amihan kasi panay ang iyak nya kanina.
“Ahh
e oo a-ako nga…” bumitiw sya sa pagkayakap sa akin…
“Pasensya
ka na, pasensya na…”
“Ayos
lang…” Dumating si Patricia na may kape at biskwit. Lumabas ako at gaya ng
kanina, pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao. Lumabas din si Amihan at naupo
kasama ko, nakigulo din si Sir John at Ma’am Rosalie.
“So…
Nathan, gaano mo na katagal kakilala si Patrick?” Naku talkshow ito, sinimulan
na ni Ma’am Rosalie ang tanong. Masusubok ang creative writing skills ko nito.
“We
are online friends, I’m a fan of his blog, and then nagexchange email kami at
facebook.then last year kasama ko syang gumigimick sa Manila, nung seminar
nila.” madali lang namang lumusot sa mga ito.
“Hindi
ka manlang nabanggit ni Patrick sa amin…” Comment ni Sir John.
“That
is because hindi kasi sya mapagbida, alam nyo na kahit kakilala pa nya ang
president ng Pilipinas, hindi nya ipagmamayabang…” lusot nanaman.
“Tama
ka, hindi sya mapagmayabang, yun ang isa sa magandang traits ni Patrick…”
malungkot na sabi ni Amihan.
“It
is sad na wala na sya, okay ka na ba Ami, one week ka nang iyak ng iyak…” Si
Ma’am Rosalie…worried na kay Amihan kasi nga sa school di kami mapaghiwalay,
laging magkasama kahit sa mga room assignments laging magkatabi.
“Kailangan
na akong masanay…only a miracle would fill the gap inside my heart…Ang laki ng
nawala…ang laki laki…”Kinabog nya ang kanyang dibdib habang maluha-luhang
nagsasabi kay ma’am Rosalie.
“Tama
na yan Ami…you’ll get over it soon…” Sabi naman ni sir John.
“Papaano
John,papaano?” Umiyak nanaman si Amihan, hindi ko na kaya ang eksenang ito,
kailangan ko nang umalis…Buti nakashades na ako , kasi nangingilid na ang mga
luha ko.
“Uhh…Nathan
okay ka lang?” Tanong ni Ma’am Rosalie.
“Ah…nasaan
po ba ang C.R. dito?” Kahit alam ko na kung nasaan. Syempre bahay ko to no…
“Ah
dyan sa may kusina nila…pasok ka na lang doon.”
Pumasok
ako sa C.R. nanginginig akong pinahid ang aking mga luha na walang tigil sa
pagtulo. Gusto kong sumigaw pero tinakpan ko ang aking bibig para walang
makarinig, mahirap umiyak ng walang tinig,yung tipong pinipigil mo na
umalingawngaw ang iyak mo, napasandal ako sa pinto at napaupo, masakit sa
pakiramdam ang nangyayari sa akin, hindi ko alam kung masusuka ba ako na parang
nahihilo na di ko malaman. Tumagal din ng ilang minuto bago ko napakalma ang
aking sarili, naghilamos ako at muling humarap sa aking sariling lamay.
Wala
na akong babalikan, kailangan kong sumulong, keep moving forward…Kailangan ko
nang yakapin ang tadhana na ibinigay sa akin…Umiiyak pa rin si Amihan, hindi
dapat ito nangyari kung hindi ako nawala…Well hindi naman ako nawala, nandito
pa rin ako, iba man ang pagkatao, isa pa rin ang laman ng puso ko.
May
magagawa pa akong paraan para maging masaya si Amihan, kung minahal nya si
Patrick, muli ko syang paiibigin sa katauhan ni Nathan…At isinusumpa ko na ang
eksenang nakikita ko ngayon ay di na mangyayari kahit kailan…
Ako
si Patrick Capalaran na naging si Nathan Cruz, nakapagkape sa sarili kong lamay
ay sumusumpang hindi na muling paiiyakin ang babaeng aking pinakamamahal…
Kabanata
10
Artista…artista
nga!
Natapos
ang break, kailangan ko nang ipagpatuloy ang buhay ko. Nailibing na si Patrick,
ako…nabuhay si Nathan at ngayon ay magbabalik trabaho na. Nagkaroon na ng closure
ang kabanata ng buhay ko bilang si Patrick, ngayon kailangan ko nang harapin
ang buhay ko bilang si Nathan Artista, matinee idol na palaos na, unico hijo ng
White Cross group of companies at ayon sa karamihan ay may attitude problem.
“Last
taping day na ng teleserye so let’s not make any problems Nathan…nauubos lang
ang kinikita ko kakapatanggal ng wrinkles ko dahil sa mga problemang ibinibigay
mo sa akin…” sermon ni Marie ang aking manager.
“Don’t
worry, you are looking at a new man here…” Hindi naman mahirap magpanggap,
basta ang rule ko lang I just have to be myself, kung anuman si Nathan noon,
babaguhin ko iyon. I will not try to imitate him, I am going to create myself
through him.
“Good
job Nathan! Namangha ako at one take lang…” nagpalakpakan ang mga staff nang
nagwakas angaming shooting. Kahit naman ako pangit noon ay may background din
naman ako sa theater arts, dahil kay Amihan lagi kasi nya akong isinasabit sa
mga stage play niya bilang extra or kontrabida.
“This
new you Nathan…I am liking it…”comment ni Marie habang pumapalakpak.
“Better
get used to it,Ate Marie, because the old Nathan is dead…” Para walang
makahalata ng pagbabago, iyon ang pinakamagandang excuse, hindi ba’t life
changing naman ang pagkasangkot sa isang aksidente?
After
ng shoot, showbiz talk show naman ang napasukan ko. Siguro nakailang change
outfit din ako, malayo na sa nakagisnan kong buhay.
“Ano
ang hindi alam ng tao kay Nathan Cruz?” Yun ang bato agad ng host sa akin
matapos akong magpaliwanag regarding “my” accident na ginawan ko na ng
napakagandang litanya before hand, speech writer yata ito at winner pa sa mga
oratorical contest…
“Si
Nathan Cruz ay nag-iisa…walang kaibigan…wala lahat…kundi pa sa aksidente hindi
nya marerealize kung papaano mangailangan ng tao, kung gaano kahalaga ang
pamilya, at kung gaano kahalaga ang trabaho nya. I know I am not a good person, based on the comments and my bashers,
but I am not changing myself because they said so, this new me is due to the
fact that I need to change so that my new life won’t be wasted…” mukhang
natulala yung host sa sinabi ko ayaw pang sumagot.
“Very
well said, at ano ang mga na ito?” sa wakas nakapagsalita din ang host. Sabagay
pag iniinterview si Nathan noon ay parang walang sense ang sinasabi nya kaya
ang tingin ng ilan sa kanya ay gwapo lang pero walang utak.
“Well,
I need to reinvent myself, I can do more than a rich guy role, Kung bibigyan
ako ng pagkakataon gusto ko naman ng romantic-action drama, yung mga spy like
roles or I could even play the villain…I think my body is fit for action
stunts…” Naman, pag tinitingnan ko sa salamin, napakaganda talaga ng katawan
ko, siguro naman pag naging action star ako e babagay. Tsaka idol ko sila James
Bond e.
“Indeed,
your body is fit for that roles, so Isheshed mo na ang rich boy roles for a
more mature and challenging roles…good luck at salamat sa iyo… Nathan Cruz
ladies and gentlemen…”pagwawakas ng host nagpalakpakan ang mga audience.
Sa
back stage nakangiti ng abot tenga si Marie. “You---are a genius, bakit hindi
ko naisip ang reinvention…maraming producer ang nakapanood ng interview mo at
may isa na agad na inooffer sa iyo…”
“Ganun
ba ate…tingnan natin baka maganda, anyway madalang naman ang offers sa akin di
ba, this is not the time to be picky…” I could get use to this, ang pagiging
ingleserong artista, atleast naprapractice ko pa rin ang pagiging English major
ko.
“May
isang project daw kasi na hanggang ngayon e di pa sila sure kung sino ang lead
actor, after nung interview they thought that you would be perfect for the
role…”
“Anong
title nung project?”
“My
teacher is a spy…”
Ah
teacher, madali lang iportray yung role na yun because I use to be a
teacher…Walang nakakaalam but I used to be one hell of a teacher…
Kabanata
11
Ang
bagong ako…
Nagulat
ang lahat na hindi na rich boy meets poor girl ang magiging tema ng bago kong
teleserye, ito ay tungkol sa isang teacher/spy na naasign sa isang school para
itrackdown ang mga terrorist na nagrerecruit ng mga highschool students. Unang
eksena pa lang ayon sa script ay action pack na kasi ipapakita yung character
ng bida bilang isang top spy ng Pilipinas, umaatikabong bakbakan na. So one
month ang kailangan kong gugulin para sa pagreresearch ng character at pagpunta
sa martial arts training at sa gym.
Press
conference ng bagong teleserye, pinagkaguluhan ng press ang bago kong imahe na
ito. Puro sa akin na ata naibato ang mga tanong.
“I
will never drink again…” Nagtawanan ang press sa mga witty remarks ko sa mga
questions nila. Madali lang naman ang mga tanong, mas mahirap pa yung
pinagdaanan ko bago ako maging isang teacher.
“Bukod
sa bago mong image, ano pa ang kayang gawin ng isang Nathan Cruz para sa
kanyang career?” aba medyo pahamon ang tanong, ano kaya ang maganda?
“I
can sing for you…” Biglang sumenyas si Marie ng ekis na para bang wag mong
ituloy at wala kang talent sa pagkanta, well noon yun, after the switch, I
found out na kung ano yung kayang gawin ko as Patrick, kaya ko ring gawin as
Nathan, walang pinagbago…ako ito sa loob pero di sa panlabas…
Humawak
ako ng mikropono at nagsimulang kumanta, ang maingay na press conference ay
natahimik…
I can be your hero baby…I can kiss away your pain…I
will stand by you forever, you can take my breath away…Sikat yung kanta na yun kaya lang hanggang chorus
lang ang alam ko but still natulala ang lahat, para bang gusto nilang kurutin
ang sarili nila baka nananaginip lang sila.
“
You are crazy…” sabi ni Marie habang nakasakay kami sa van, “You are crazy
good…may singing talent ka pala bakit itinago mo lang!”
“Hindi
naman kasi kayo nagtatanong…” Simula pa lang yan ng mga sorpresa, marama pa
akong surprises in my bag…
“Good,
you are on the right track Nathan, ipagpatuloy mo yan…”
Pagdating
ko sa condo ko nagulat ako at nadatnan koang mama ni Nathan, I mean si “Mama”
ko.
“Ma.what
are you doing here?”
“
Why, can’t a mother visit her son? Kagagaling mo lang ng ospital trabaho agad…”
“How’s
Papa?”
“As
usual busy sa negosyo, ikaw Nathan, you need to keep your promise na magstay sa
bahay kahit twice a week lang ha…”
‘Yes
ma, I mean namiss ko rin naman kayong dalawa…”
“Sino
ka ba at anong ginawa mo sa anak ko? Naging sweet naman na ang bunso ko after
the accident…”
“Ayaw
nyo nun, just give me a chance to make it up to you guys…I might surprise you
one day…”
“Anong
surprise, a girl?Maganda yun basta mahal ka at mahal mo ayos na yun...”
“Ma,
tara dinner tayo sa labas…”
“O
Marie, mukhang dina sasakit ang ulo mo sa alaga mo, bumait drastically e…”
“Oo
nga po tita, nagungulat nga po ako sa ugali nya ngayon…pero that is good news
for me…” natawang sagot ni Marie.
I
think this is the right thing to do, itama ang lahat ng mali ng isang Nathan
Cruz, change him through me, that is the plan and making Amihan fall inlove
with me all over again…Just you wait, Patrick will get his life back through
Nathan…
Kabanata
12
My
teacher is a spy…
My
Teacher is A Spy, isang high budget production mula sa isang kilalang network
at ang bida, syempre ako, si Nathan Cruz. Naghahanda ako ngayon sa role na ito
ngayon ay nasa gym ako para magpalaki pa ng katawan dahil may ilang eksena na
kailangang shirtless, after nito kailangan kong i-meet ang martial arts trainer
na hinire pa nila from China. Busy busy busy but I am enjoying it.
Nagbago
rin ang mga feedbacks sa akin sa internet, mukhang nagugustuhan ng tao ang
kanilang nakikita sa akin. Kay Nathan…pagbabago dahil ang dating Nathan ay wala
na. Natapos ako sa gym oras na para sa martial arts training.
Holy…ang
hirap at ang sakit na ng katawan ko plus di ko maintindihan yung Chinese
instructor, kasi yung English nya e super labo, oras na para ilabas ang Chinese
Mandarin skills ko.
“Shifu wo yao hui wushu, keyi jiao wo ba?…”Master gusto kong matuto ng Wushu, turuan mo naman
ako.Yun ata ang sinabi ko, may masabi lang sa kanya para ipaalam na marunong
ako ng wika nya.
“Ni neng shuo Hanyu ma?” sagot ng master na ang ibig sabihin ay
nakakapagsalita ka ng Chinese?
“Yidiar, shifu, yidiar…”Konti lang master, konti lang…Sa expression ni
Marie, parang gusto na nyang magwala sa pagtataka or tumalon sa fifth floor,
nagpipigil lang sya. Tiningnan na lang ako ni Marie ng buong pagtataka. Well
that’s the mystery of life bahala na syang magtaka.
Next
stop ay story conference ng teleserye. “So kailangan kong magresearh kung
papaano maging teacher within a week…that sounds like fun, I know some
teachers, I could ask them for help…” may plano nang nabubuo sa aking isipan,
at kung binabasa nyo to alam nyo na yun...
“You
know some teachers? When? How? What? Why?” pagtataka ni Marie habang papaalis
kami ng story conference.
“Basta,
Hmm mukhang babalik ako sa farm house naming sa San Leonardo, kasi I need to be
a teacher for a week sa Cabanatuan…”
“Cabanatuan?”
nanlaki ang mata ni Marie, medyo may resemblance pala si Marie kay Nanette
Inventor…specially pag nagtataka at nagugulat…
“Oo
bukas kakausapin ko yung principal nung isang school dun para magpaalam, gusto
kong mag-immersion for a week para maranasan ko ang buhay as a teacher…”
“Immersion…talaga
lang ha, kakayanin mo ba?”
“Ako
pa…with the new me I can do anything…”
“Sige
saang school ba yan?Private ba o public?”
“Public
school…”
“Public
school?good luck na lang sa iyo…”
“Wanna
bet?” di nya alam yung school na pinanggalingan ko as Patrick ang dadayuhin ko,
at para makapagsimula na sa oplan Amihan…
Evil
laughing inside…Nangingiti lang on the outside…
Ang
principal ng school na yun ay si Mr. Lutgardo Panganiban III, matandang binata,
medyo masungit, at medyo…alam nyo kaya tumandang binata iba ang nais sa
buhay…Lagi akong sinusungitan noon bilang si Patrick, parang ayaw na ayaw akong
nakikita, lagi akong pinapadala sa mga seminar at pinagklaklase sa mga kadulu-duluhang
room, ano kaya ang reaction nya ngayong ako na si Nathan Cruz…
“You
are very much welcome to observe and immerse sa aming school Mr. Cruz…”
Nakangiti pa ang principal, I’ve never seen this side of him… “May tutuluyan ka
ba dito sa Cabanatuan, maluwang yung bahay namin…”
Ngii mukhang may
maitim na balak pa itong si sir…
“May
bahay po kami sa San Leonardo, tsaka may kakilala po ako dito…”
“Ah
okay,welcome to Nueva Ecija High School!”
Nagkagulo
ang buong faculty…no… ang buong school palasa pagdating ko, kahit mga teacher
ay puro papicture ang inatupag sa akin, nasaan ba si Amihan?
“Nasaan
yung bestfriend ni Patrick?” tinanong ko si sir John.
“Bukas
papasok na sya, nakaleave sya, after nung libing kasi ni Patrick nadepressed
sya ng sobra sobra…”
Nadepressed
ng sobra sobra…ano ang gagawin ko, papaano ko papalitan ang sarili ko sa puso
nya? Hay, que serra serra… Dadalaw din ako sa amin, kasi namimiss ko na ang pamilya
ko, ang original kong pamilya…kumusta na kaya sila nanay at Patricia, dadalawa
na lang sila sa bahay ngayon…Umiiyak kaya si nanay pag namimiss nya ako?
Bago
ako pumasok tinanaw ko muna sila mula sa bintana ng aking sasakyan,
nanay…Patricia…nandito na ako…bumalik na ang kuya mo…iba nga lang…huminga ako
ng malaim tsaka bumaba ng kotse.
“Nanay
kumusta na po kayo?” Nakangiti kong bati sa kanila
“N-Nathan,
anong ginagawa mo rito?”
Nagulat ko ata si Nanay at si
Patricia, natulala kasi yung kapatid ko. “Wala po kasi akong taping kaya
naisipan ko pong kumustahin kayo, sorry po at di ako nakaattend nung libing…”
Nung libing ko…
“Ayos lang yon anak…” anak…nang
narinig ko yun biglang pumatak ang luha ko. “Bakit ka umiiyak Nathan, may
nasabi ba ako?”
“Wala po nanay, nalulungkot lang po
ako sa pagkawala ni Patrick…”
“Mahirap mamatayan ng anak, dapat
ang anak ang naglilibing sa magulang hindi ang kabaligtaran, pero wala tayong
magagawa, yon ang kaloob ng Diyos, kung hanggang doon na lamang ang buhay nya,
atleast natupad nya ang pangarap nyang maging isang guro…” Marami pa akong
pangarap nagustong matupad, isa na doon ang pangarap ko para kay Amihan, nanay,
kahit anong mangyari nanay ko pa rin kayo…Niyakap ko si Nanay…
“Ate, dumalaw ulit si kuya Nathan…”
Narinig kong sabi ni Patricia mula sa likuran…Alam ko na si Amihan ang
dumating.
“N-Nathan, anong ginagawa mo rito?”
tanong nya sa akin, kumalas ako sa yakap ko kay nanay at pinahiran ang luha ko…
“Ahh…nangangamusta lang…Ikaw anong
ginagawa mo dito?”
“Dito sya natutulog kuya, inaayos
nya yung kwarto ni kuya Patrick.” singit ni Patricia.
Pumasok akong muli sa isang silid na
pamilyar na ako, ang aking dating silid, walang nabago…
“Ito ang silid ni Patrick…” sabi ni
Amihan, pero sa loob ko sinasagot ko sya nang alam ko…alam ko…twenty years
akong nangarap sa silid na iyan… Nakakalungkot na kung kailan matutupad na ang
pangarap na iyon ay saka pa nagwakas ang buhay ko.
“Pwede ba akong maupo sa kama nya?”
pero hindi lang upo ang ginawa ko, namalayan ko na lang ang aking sarili na
nakahiga at lumuluha nanaman…
“Mahalaga sa iyo si Patrick, tama ba
ako Nathan?” bumalik sa realidad ang aking isip, bumangon ako at pinahid ang
mga luha ko.Nakaupo na pala sa tabi ko si Amihan.
“Oo…kahit sandali lang,isa syang
tunay na kaibigan…” Ngumiti ako at pilit pinipigil ang aking mag luha.
“Kung ikaw na sandali lang ay ganyan
na ang epekto nya, papaano pa kaya ako na nakasama nya ng matagal na panahon?”
Napakalungkot talaga ni Amihan.Papaano ko papalitan ang kalungkutan na iyon?
“Que
serra…serra…” Yon ang aking nasambit na ikinagulat ni Amihan, nanlaki ang
mata nya na tumitig sa akin…
“What ever will be…will be…” yan ang
paboritong expression ni Patrick…
“Oo…sabi nya sa akin…” Sabi ko sa
sarili ko actually… “ Dapat nating tanggapin ang ihahain ng buhay sa ating
harapan…” Dapat mong matanggap ang pagkawala ko, kailangan kang magmove on…
“ Alam mo iba ka sa pagkakakilala ko
sa TV…” Ngumiti na si Amihan sa wakas.
“I know…dati kasi ayokong makita
nila ang tunay na ako…pero now I am tired of creating a façade…” Natawa pa si
Amihan… “B-bakit may nasabi ba akong nakakatawa?” Tanong ko sa kanya kasi
tinatawana nya ako.
“Alam mo, kaibigan ka nga ni
Patrick, kasi pati pananalita nya e magkatulad kayo, Inglesero kasi yun e, at
you sound exactly like him…” Sabi ni Amihan habang tumatawa na may halong pait.
But you know what Amihan, I am him…I just couldn’t tell you dahil kahit sa
sarili ko hindi ako makapaniwala…ikaw pa kaya?
“ Sya nga pala, bukas papasok ako sa
school nyo…”
“Sa school?Bakit?”
“I am researching a role for my next
project, teacher ang magiging role ko kaya kailangan kong maexperience first
hand ang school life ng isang teacher, will you help me?” Say yes Ami…Say yes…
“ Sige…bukas papasok na ako, you are
right kailangang tanggapin ang ihahain sa atin ng buhay…”
“No…I am not right…Patrick is…” Sabay
kaming natawa, at ito na ang simula ng aking oplan Amihan…
Kabanata
13
Ako
si Amihan…
Ako si Amihan Marcos, honestly, I
have never written a blog before, but for some reason, I want to start now… I
want to get all my feelings off my chest, I want an outlet…
You
see, I was inlove with a man, “was…” because he is not around anymore, “was…”
because even when I knew, I never told him, “was…” I guess was not the right
word, but “still…” is… Ulitin natin ang sinabi ko, You see, I’m inlove with a
man, but that man left me…although it is painful, but I love him still, until
this moment as I tap into the keyboard of my computer. I couldn’t hold on to
him, I wish I could but there isn’t any way to…
Que
serra serra…Whatever will be will be, yun ang lagi nyang bukang bibig, he is a
friend to everyone, to my surprise even a famous actor was and considers him as
an important person. Ganon kagaling ang taong inibig ko, he is bigger than all
of us combined in our school, he is way much bigger, that is why I find it so
hard to fill the gap he left within my heart…
Pinatay ko ang aking computer, hindi
ko isinave ang aking ginawa, ni hindi ko inupload para mailagay sa isang blog
site,hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na ipagsigawan na mahal ko
sya…
Ang tinutukoy ko ay ang aking
bestfriend na si Patrick, he was my bestfriend ever since freshmen kami sa
college. He was always there for me, the more that I am with him, the more that
I fell for everything that he was… He was talented, bright as in intelligent
and as in he gives light to the darkness, he was a caring person, a strenght
for the weak, and he was an ideal man for me…
Pero kahit na anong gawin kong paghihimutok,
o kahit magsisigaw ako ngayon, wala na sya…Hindi na kami magkikita kailanman…
Kagagaling ko lang sa kanila, ngayon nakatingin ako sa isang patay na screen ng
aking desktop computer, I switch it on again…I need to forget…I need to move
on…malulungkot sya kapag nakita nya akong ganito. Binuksan ko ang aking
facebook account, it’s been a week since huli akong nag-online, a week ago nung
nalaman ko ang pagkamatay ni Patrick…Para akong sira, nagsend ako ng message sa
kanya at nagtapat ng pagmamahal ko…I confessed my love to a dead person,
naiinis ako sa sarili ko, hinintay ko pang mawala sya sa akin para magising ako
sa katotohanang mahal na mahal ko sya…Ano pa ang silbi ng mga salitang sinabi
ko sa kanya kung ang kulang ay sya mismo, ano pa ang silbi ng “I love you…”
kung wala nang magsasabi ng “I love you too…”?
Dumami
lang ang notifications sa Fb ko pero may isang message akong nabasa…isang
message na imposibleng mangyari…Sa dulo ng aking message of confession kay
Patrick ay may reply dated nung two days na ang nakalipas ng kanyang
pagkamatay…it says… “I love you too…” Minulto ba ako ni Patrick? Totoo kayang
mahal nya rin ako? Hindi takot ang
namayani nang nabasa ko yun, hindi takot kung hindi regret…yes regret slowly crept into my mind…regret slowly pierced my heart…
Kabanata
14
My
teacher is a spy 2
Ang
get-up ko ngayon ay teacher,I don’t mean to repeat myself over and over again,
but I look really good…
“Wow, Nathan, napakaganda ng get-up
mo ah, bagay sa’yo, siguro teacher ka in your past life…” compliment ni Marie,
which is actually true dahil teacher nga ako in my past life…
“ So
ate Marie, maglibot-libot ka muna, I’ll handle this alone…”
“What? E kung kuyugin ka ng mga fans
mo?” Nanlalaki nanaman ang mata ni Marie.
“Relax…kaya ko ito…” Kayako nga ba,
e mostly pala ng fans ni Nathan e mga teenagers?
Umalingawngaw ang tilian ng mga
babae sa classroom kung saan ako pinakikilala ni Amihan, kahit sya nahirapang
bawalin ang mga babaeng parang mamamatay na sa kasisigaw… Iba talaga ang epekto
ni Nathan sa mga tao…
“ Sana ipakita nyo kay sir Nathan na
behave kayo ha, manonood sya sa atin habang nagklaklase…” Sabi ni amihan sa mga
bata na grade 9…tumahimik ang klase…nagpatuloy ito pero sa totoo lang wala
akong maalala sa discussions nila dahil nakafocus lang ang mata k okay Amihan,
ang ganda nyang tingnan lalo na pag nagklaklase which I don’t get to see often
dahil pareho kami na may klase.
“Good bye class…” nagulat ako na
tapos na pala ang klase, nagpaalam na si Amihan. “ Nathan…sasama ka pa ba sa
susunod na klase?” tanong ni Amihan.
“Yeah, saan ba ang susunod mong
klase?” Kunwari pang di ko alam pero kabisado ko ang kanyang sked.
“Follow me, dun yun sa dulong room
sa third building.”
Natapos ang isang magulong araw,
tilian, paautograph, papicture,paakap…ang hirap maging pogi…naks naman, feel na
feel ko na talaga na maging si Nathan.
“Hindi ka pa uuwi?” tanong sa akin
ni Amihan, sa totoo lang ayoko pang umuwi, gusto ko pang tingnan ang
kapaligiran ko, ang mga dingding, ang ilang mga lumang silid aralan…pag tinuloy
ko na ang buhay ko bilang si Nathan ay di ko na makikita ang lahat ng mga
ito…ang mundo ni Patrick…
“Ah…gusto ko lang tumingin tingin
pa, samahan mo nga ako?” Pagkakataon ko na ito na pumorma kay Amihan.
“Wala nang mga tao sa mga room…”
Pero kahit parang ayaw ni Amihan na
sumama ay sinamahan pa rin nya ako, siguro nagmamagandang loob lang. Pumasok
kami sa isang classroom, naupo ako sa isang upuan doon…Nakatayo si Amihan
habang tinitingnan ang mga nakasulat sa itaas ng blackboard.
“Hindi mo pa ba napasok ang room na
ito?” tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan.
“Hindi pa e, room kasi ito ng Grade
10…naiwan lang na nakabukas…”
Binasa ko ang tinitingnan ni Amihan…
“In the eyes of the teacher, his students
are his treasures; therefore a teacher can never go poor…” Mayaman pala ang
mga teachers, mayaman sa mga utang… Ako nga marami akong mga loans, kaya lang
dahil patay na e malamang nabayaran na lahat yon.
Tumingin naman si Amihan sa likuran,
napatingin di ako at binasa kong muli ang mga nakasulat, “It is only with the heart that one can see rightly, what is essential
is invisible to the eye…Antoinne de Saint-Exupperry” Sana nga makita ni
Amihan na ako ito, si Patrick…ang bestfriend nya…ang mahal nya… “Kinuha yan sa
The Little Prince ano?” tanong ko kay Amihan na hindi pa nagsasalita mula
kanina.
“Oo…paborito ko ang novel na yan…”
sabi nya, oo naman alam ko yun, ever since college pa paborito na nya yun.
“Nalulungkot ka pa rin…” Yun na lang
ang aking nasabi, ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun, wala naman yung
kinalaman sa usapan namin.
“It
shows right?” Ngumiti si Amihan pero pilit ang kanyang mga ngiti, gusto ko
nang tumayo sa upuan at yakapin sya kaya lang pinigil ko ang aking sarili,
tiningnan ko na lamang sya sa mata habang nakatayo sya, nakadantay ang bigat ng
katawan sa teacher’s table. Narealize ko na hindi magiging madali ang oplan
Amihan.
Nasobrahan ata ng pagkadantay si Amihan,
umusog ang lamesa, naout of balance sya, agad ko naman syang nasalo, napalapit
ang aming mga mata, I have never been this close…so close that I might be
tempted to look deeper, and even kiss her…
But ofcourse, I won’t kiss her…Hindi
naman ako si Patrick, si Nathan ako. “Ingat ka…” yun na lang ang nasabi ko.
Nagulat ata si Amihan, parang naguluhan
sya,bigla kasi syang kumalas sa mga hawak ko na para bang
nakuryente…”O-oo…s-salamat…” tapos inialis nya ang tingin sa akin.
“Alam mo, pangarap ko rin dating
maging teacher…” Gawaan nanaman ng kwento…kailangan e…
“Talaga?” Nanlaki yung mata ni Amihan,
na-amaze ata sa sinabi ko…Si Nathan Cruz magteteacher e may pagkadumb blonde
ang image nya?
“Oo, kaya lang ang gusto ni papa e
business management ang kunin ko…” Napagtagpi ko agad yung kwento para maging
kalahating katotohanan…
“Mayaman ang pamilya nyo?” Tanong ni
Amihan, ah hindi nga pala alam ng lahat na mayaman si Nathan, iilan lang ang
nakakaalam noon, masikreto kasi sya sa kanyang private life.
“Uhhh…may negosyo yung pamilya
namin…” Ayokong maging mayabang sa harap ni Amihan.
“Ahh okay…” tumango na lang si
Amihan.
“Pangarap ko noon na maging teacher,
pero after this, parang narealize ko na di pala madali ang trabaho nyo, I
gained so much respect in your job…” Yun na lang ang nasabi ko, namamangha na
rin ako sa sarili ko sa galing kong umarte at gumawa ng sariling kwento. Wala
naman na akong choice, pag sinabi ko ang totoo baka sabihin lang nila na
nababaliw ako or worst, adik ako…Let them
discover for themselves who I really am…let them if they can…
Kabanata 15
Amihan,what are you feeling?
Hi, this is Amihan Marcos…this is
the second attempt that I will try to write a blog…The first one was a failure
due to my lack of courage to say to the world how I am feeling…
I
lost my bestfriend and I lost the love of my life. He left before he even knew
that he was…Paulit-ulit lo nang kinukwento, para na akong sirang plaka, pero
what can I do, that is the truth.
After
I lost him, I felt sinking into the abyss of regret, lagi kong sinasabihan ang
sarili ko na ang tanga tanga ko…Totoo pala yung kasabihang “Malalaman mo lang
ang halaga ng isang bagay kapag ito’y nawala sa iyo…”
After
this, an unexpected person came into my life, a person who I don’t know why,
came as a friend of the one I love. I never knew he had a friend like him, I
even thought for one second that he is him…
I
feel something that I felt weird about…Bakit ko nararamdaman ang presensya ni
Patrick sa ibang tao, bakit ko nararamdaman na parang hindi pa sya nawala, na
anytime ay babalik sya? Bakit ganoon ang pakiramdam ko kapag kasama ko si
Nathan, bakit parang si Patrick pa rin ang kasama ko? Weird because they are
different in many ways, but the feeling that I felt towards Patrick is starting
to develop when I am with Nathan, and to think that we’ve only met thrice…
Gusto
ko na sanang ipublish ang blog na ito pero nakita kong nacarried away nanaman
ako sa pagtatype…naibuhos ko nanaman ang mga feelings ko, my fingers seemed to
had a life of their own and when I realized what I have written, it is
finished…Baka makita ni Nathan…imposible na magkagusto sa akin ang katulad nya,
masyadong malayo ang agwat ng aming mga mundo, he lives a life of fame and fortune, while I…teka ano ba itong
iniisip ko…ah siguro dahil there was a time na crush ko ang isang Nathan
Cruz…Kaya ngayong nakilala ko sya sa personal, at opposite ng mga nakasulat
tungkol sa kanya ang nakita ko, I felt that my admiration grew back again for
him…Basta iba ang naramdaman ko nang makilala ko sya…Ahhh ano ba naman tong
iniisip ko, another one of my silly girlish fantasies…Hindi ko nanaman itinuloy
ang blog. Nagring ang aking phone, teka asan na nga ba yun? Natambakan sa mga
dala kong gamit…ay ayun…
“Hello?
Amihan si Nathan to…”---teka si Nathan ang tumatawag…p-papaanong nalaman nya
ang number ko? Ilang Segundo rin bago ako nakasagot.
“P-papaano
mo nalaman ang number ko?” Tanong ko sa kanya.
“Well
I have my ways…” May konting tawa nyang sinabi sa akin.Sumagi sa isip ko tuloy
ang kanyang killer smile…
“Bakit
ka napatawag?”
“I
just wanted to make sure that you went home safely…” Medyo nagdulot ng slight
rising of heartbeat ang mga sinabi nya na yon sa akin,why am I like this?
“Oo
naman, malapit lang ang bahay namin sa school e…ikaw, ngayon ka lang ba
nakauwi?” Ibinalik ko naman ang concern…
“Oo
e, sa bahay kasi ng parents ko ako matutulog ngayon, I promised them that we
would eat breakfast together tomorrow…” Napakaganda ng boses nya sa phone, and
also sa personal…Amihan get a hold of
yourself…you are not supposed to feel something like this…specially from
someone whom you’ve just met…
“That’s
nice…so babalik ka dito bukas?” tinanong ko na lang sya ng obvious na tanong,
wala na kasi akong maitanong para humaba pa an gaming conversation.
“Uhh…oo
pero sa hapon na…” siguro ay may prior engagement sya kaya hindi sya makakapagstay
the whole day.
“Okay,
may klase pa naman ako sa hapon, kaya lang isa lang…”
“That’s
fine as long as I am with you…” Parang nagulat ako sa sinabi nya nya iyon,
biglang nagwala na ang puso ko…Amihan you just lost it…It’s official; you are
crazy…Amihan…nagagalit na ako sa sarili ko…hindi ako makapaniwala na ganito ako
kadali makalimot…hindi ako makapaniwala that
I am this kind of person…
Kabanata
16
Live
life to the fullest…
“Nathan,good morning
iho…how are you feeling?” Tinanong agad ako ni “Mama” nang makita nya ako. Ngayon
na medyo matagal na rin ako as Nathan, I am getting used to it, I am getting
used to his parents, his lifestyle…his work…
“I’m okay Ma…si Papa
asan sya?” Hindi ko kasi napapansin pa, this is my fifth time na kumain kasabay
nila, and usually nauuna sya sa akin.
“Ah, may kausap lang sa
phone, ay ayan na pala…” Bumababa sa hagdan si “Papa”, ibinulsa nya ang
cellphone.
“Good morning iho…”
nakangiti itong bumati sa akin.
“Kain na po tayo Papa…”
Naupo na kami sa isang
gradioso na hapag…tahimik gaya ng dati, but this time I’d like to break the
monotomy kaya nagsalita ako nang isang bagay na ikagugulat ng mga parents ni Nathan…este
parents ko… “Papa, I’m planning to go
back to college while my schedule is not too tight…”
Nanlaki ang mata ni
Papa, napatigil sa pagkain at tiningnan ako ng matagal, si Mama naman parang
natulala… “That’s a great decision iho…that is a great decision, sayang naman
kasi at one year na lang tapos mo na yung course mo…that’s great iho…”
“Narealize ko po kasi
na kailangan ko rin kayong tulungan sa kumpanya natin…” Parang naluluha naman
na yung dalawa, nang sinabi ko na babalik ako ng college.
“I don’t know what
happened during your accident, but this is something…this is really something…”
masayang masaya ang papa ni Nathan sa narinig nya…
“Basta po hindi napo
kayo kokontra sa pag-aartista ko ha?”
“Ayos lang yun
son,basta kailangan lang matapos mo ang kurso mo…”
“It’s all set
then,tatawag ako sa university bukas para iayos ulit yung papers mo, you don’t
have to worry, I’ll take care of everything…” Kulang na lang tumalon sa tuwa
ang papa ni Nathan habang nagsasalita.
Hindi naman mahirap na
mag-adjust sa bagong buhay na ibinigay sa akin ng kapalaran, ang reason ko lang
sa pagbabago ay ang aksidente and they all believe na nagbago na nga ang dating
galit sa mundo na si Nathan Cruz. Simula nang lumabas muli sa media si Nathan,
este ako pala, puro positive na ang sinasabi ng tao tungkol sa kanya. Ngayon
nandito nanaman ako sa eskwelahan nagreresearch kuno ng character na kung
tutuusin ay di na kailangan dahil alam ko naman na ang gagawin talaga.
Kailangan ko lang gawin iyon para sa aking operation Amihan.
“So this is your last
day sa pag-reresearch ng character, what did you learn so far?” tanong ni sir
John sa akin.
Namalayan ko na lang na
nakatingin na ang lahat ng faculty ng English department sa akin at hinihintay
ang sagot ko.
“Uhh…hindi madali ang
pagiging teacher, mahirap in the sense that nakasalalay ang kinabukasan ng
bawat mag-aaral sa kanya…” Yes…simple answer pero rock…pinupuri ko ang sarili
ko deep inside…
“Alam mo mali yung
write ups nila tungkol sa iyo for these past years…now that I got to meet you
in person, napatunayan ko na napakatalino mong tao…” comment ni ma’am Rosalie
na tila namangha sa sinabi ko.
“True, kasi ang alam
namin pag sinabing Nathan Cruz e quotable ang mga binibitawang salita, quotable
in the sense that nakakatawa kadalasan…” Hindi pa sinabi ni sir John na puno ng
katangahan ang mga comment ni Nathan noon kaya ang dami nyang bashers sa social
media.
“Uhh…well kung minsan
sa showbiz palabas lang ang lahat para mapag-usapan.” Sabi ko naman sabay ngiti
na lang para maidivert na sa iba ang topic.
“O, Amihan kanina ka pa
walang imik dyan, why what’s wrong may sakit ka ba?” napansin ni ma’am Rosalie
na nakatingin lang si Amihan sa kawalan, ano nga kaya ang problema?
“Bilang pasasalamat po
sa pag-accommodate nyo sa akin, itre-treat ko kayo ng dinner mamaya…”
suggestion ko para magkaroon kami ng get together ng mga kadepartment ko, dahil
namimiss ko na sila.
“Oh sorry Nathan, kami
ni ma’am Rosalie ay may aatendang debut mamaya, debut kasi yun ng dating
valedictorian dito…” nanghihinayang na sinabi ni sir John.
“You know what, why
don’t you just treat Ami…tutal sya naman talaga ang tumulong sa iyo…” nakangiti
na sinabi ni ma’am Rosalie, yung bang ngiting may hidden agenda at mukhang alam
ko na yun. Thank you ma’am!
“K-kami ni Nathan,
w-wala bang sasama sa amin?” nagsalita sa wakas si Amihan, parang nahihiya na
di mo malaman ang tono nya.
“Don’t worry, I don’t
bite…I think may point naman si ma’am Rosalie…so I’ll pick you up at eight?”
Ang technique kay Amihan kailangang binibigla para pumayag.Sana pumayag…sana
pumayag…
“Uhh…s-sige…”medyo di
pa makatingin sa akin si Amihan nang pumayag sya. Sa loob ng aking isipan
tumatalon na ako sa tuwa, pero syempre sa labas poise na poise ako.
Mamayang alas otso ay
may date kami ni Amihan, this is my
second chance and I am planning to live it to the fullest…