Monday, July 2, 2012

Korean to Filipino Songs

This song is a translation of a famous song in a Korean Drama, called Heartstrings, entitled Because I Miss You... 

Nangungulila Sa Iyo 

Ang langit at panahon 
Walang pagbabago 
Ang pagkakaiba lamang ay- 
Wala ka sa piling ko… 

Nais mang idaan 
Sa ngiti ang lahat… 
Magpanggap na nalimot kita 
Magpanggap na Masaya 

Ngayon ay nangungulila 
Sa iyo ay nangungulila 
Sa Paglipas ng panahon 
Inaalala ka nang mag-isa 

Nais kong Makita ka 
Nais nang Makita ka 
Sa bawat araw na nagdaan 
Tinatawag ang iyong pangalan 
Hanggang ngayon…. 

Nang ikaw ay lumisan 
Hindi ka pinigilan 
Ngunit hindi pala kaya ng 
Damdaming mawala ka… 

Ngayon ay nangungulila 
Sa iyo ay nangungulila 
Sa Paglipas ng panahon 
Inaalala ka nang mag-isa

 Kulang ang buhay ko kung wala ka
 Ano ang dapat kong gawin? 

Mahal na mahal kita 
Mahal na mahal kita
Hinayaan kang lumayo 
Nang hindi mo man lang nalalaman 

Patawarin mo ako 
Patawarin mo ako 
Sana ay iyong marinig 
Ang buong puso kong pagtatapat

Na mahal kita… 





 This one is from a top rating Korean Drama, The Moon that Embraces the Sun, the song is called "Back in Time"

Kung kaya kong ibalik

Pumapatak nanaman ang ulan
Ala-ala’y nagbabalik nanaman
Pilit pumapasok sa aking isipan
Bakit di ka malimutan?

Ako ay nakakulong sa’yong ala-ala
Kung maibabalik ko lang ang panahon
Na kapiling ka at dama ang yakap mo
Ako’y liligayang muli…

Kay dilim na ng aking landas
Pag-ibig mo ay biglang nagwakas
Bakit di napansin ang iyong damdamin
Bakit di mo pa inamin?

Ako ay nakakulong sa’yong ala-ala
Kung maibabalik ko lang ang panahon
Na kapiling ka at dama ang yakap mo
Ako’y liligayang muli…

Kahit ang tadhana ay hahamakin ko
Makita lang ang iyong ngiti…

Kung maibabalik ko lang ang araw na nagdaan
Ay di na kita pawawalan.
Yayakapin ka at aamin din sa’yo
Ng pag-ibig ko…

 Here are the Original lyrics for your reference...

Because I Miss You, OST Heartstrings
  
늘 똑같은 하늘에 늘 같은 하루
그대가 없는 것 말고는 달라진 게 없는데
난 웃고만 싶은데 다 잊은 듯이 
아무일 아는 듯 그렇게 웃으면 살고픈데

그리워 그리워서 그대가 그리워서
매일 난 혼자서만 그대를 부르고 불러봐요

보고파 보고파서 그대가 보고파서
이제 난 습관처럼 그대 이름만 부르네요
오늘도

난 보낸줄 알았죠 다 남김없이
아니죠 아니죠 난 아직 그대를 못 보냈죠

그리워 그리워서 그대가 그리워서
매일 난 혼자서만 그대를 부르고 불러봐요

보고파 보고파서 그대가 보고파서
이제 난 습관처럼 그대 이름만 부르네요
오늘도

하루하루가 죽을 것만 같은내 어떻게 해야 해요

사랑해 사랑해요 그대를 사랑해요
말조차 못하고서 그대를 그렇게 보냈네요

미안해 미안해요 내말이 들리나요
뒤늣은 내 고백을 그댄 들을 수 있을까요
사랑해요

Back In Time, OST The Moon That Embraces the Sun
구름에 빛은 흐려지고
창가에 요란히 내리는
빗물소리 만큼 시린 기억들이
내 마음 붙잡고 있는데
갈수록 짙어져간
그리움에 잠겨
시간을 거슬러 갈순 없나요
그 때처럼만 그대 날 안아주면
괜찮을텐데 이젠
젖어든 빗길을 따라가
함께한 추억을 돌아봐
흐려진 빗물에 떠오른 그대가
내 눈물 속에서 차올라와
갈수록 짙어져간
그리움에 잠겨
시간을 거슬러 갈순 없나요
그 때처럼만 그대 날 안아주면
괜찮을텐데 이젠
흩어져가 나와 있어주던
그 시간도 그 모습도
다시 그 때처럼만 그대를 안아서
시간을 거슬러 갈수 없나요
한 번이라도 마지막일지라도
괜찮을텐데
 

Thursday, June 21, 2012

Julio

Hatinggabi na…ngunit di ko pa rin maiwaksi ang sakit na aking nadarama. Nagpunta ako dito para makalimot pero bakit kahit anong gawin ko ay pilit pa ring bumabalik ang mga ala-ala. Pantabangan, Nueva Ecija…Mula sa magulong lugar ng Maynila ay dinayo ko ang lugar na ito upang makalimot. Maihahalintulad ko ang aking byahe sa pakikipagbuno kay kamatayan sapagkat kaunting pagkakamali lamang sa aking pagmamaneho ay siguradong pagkasawi ang aking kahahantungan dahil sa mga matatarik na mga bangin. Sa kabilang banda naman ay nalilibang ang aking mga mata sa mga tanawing aking nadaraanan,gaya ng mga malalawak na taniman, matatayog na mga puno, at matataas na mga bundok na naadornohan ng luntiang mga damo, iba’t-ibang makukulay na mga ligaw na bulaklak at mga naglalakihang mga bato kaya’t kahit papaano ay napapawi ang aking pangamba. Malapit na ako sa aking patutunguhan…unti-unti nang humihina ang signal ng aking cellphone. Sa arko daw ng Pantabangan ako inaabangan ni Gelay. Angela Estabillo, isa sya sa aking kamag-aral noong ako ay nasa kolehiyo. Ang palangiti at tahimik naming kaklase na palaging may baong camera sa mga okasyon. Ilang saglit pa ay narating ko rin ang arko ng Pantabangan. Itinabi ko ang sasakyan at ako ay bumaba upang hanapin si Gelay.Nakita ko siya, ibang-iba sa Gelay na kilala naming noong kolehiyo;humaba na ang kanyang buhok, at kakikitaan mo na ngayon ng tiwala sa kanyang sarili, ang kanyang kulay ay pumusyaw,singkit pa rin at palangiti. “Gelay! Aba sumeksi kang lalo ah…”Pagbati ko sa kanya. “Julio!Kumusta na? Ang tagal mo ha, kanina pa sila Michael sa bahay.” Nakangiting tumugon si Gelay. “Dati na kong seksi no…” Sumakay kami ng kotse at duon pinagpatuloy an gaming pag-uusap. “Long time no see ha?” Nilingon ko ng bahagya si Gelay. “Anim na taon na kaya noong huling dalaw nyo rito.” May lungkot sa tono ng boses niya. “Bakit? May problema ba?” Agad kong tinanong. “Kasi inaasahan ko marami ang pupunta pero sa last minute nagback-out sila.” Pagsusumbong nya sa akin. “Intindihin na lang natin sila…”Tugon ko sa kanya pero sa daan pa rin ang aking tingin. “Saan dito yung bahay nyo? “Diyan sa kantong iyan lumiko ka…”Pagtuturo ni Gelay sa isang kanto na may pulang arko at nakasulat ang Priority Village.” Kasi naman sa three hundred sixtyfive days ng taong ito, hinihingi lang naman natin ay dalawang araw hindi pa nila maibigay.” May panghihinayang sa tono ni Gelay. “May punto ka don, kung gusto nga naman ay may paraan— .”naputol ang aking sasabihin ng pinahinto na ako ni Gelay sapagkat dumating na kami sa bahay nila. Marami na ang pinagbago ng bahay nila Gelay, noon iba ang kulay nito at walang garahe, ngayon ay mas lalo pa itong gumanda. Sa loob naghihintay ang tatlo pang pamilyar na mukha. Si Michael na noon ay tahimik ngunit matalino sa matematika, sya ata ang nagsalba sa akin kapag exam. Mahiyain sya noon at napakabait, para bang isang bata na napakamasunurin.Medyo gumanda ang tikas ng kanyang katawan at pumuti rin sya, mula sa mukhang totoy noon ay mama na ngayon. “Oy late ka ha maglilibre ka ng lunch” bati ni Michael sa akin. “ Sya nga, kailangan yung masarap ha.” Sabad naman ni Charles. Si Charles naman ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo, di maintindihan ang ugali at hilig ni Charles, para syang bata noon na mahilig sa mga cartoons. Sentimental na tao sapagkat marami syang ibinibigay noon na mga remembrance sa amin. Tumaba na siya, at nakasalamin na, dati kasi ayaw nyang magsalamin kahit malabo na ang kanyang mga mata. “May Leche flan dapat…” Sabi naman ni Luis. Si Luis naman ang tipo ng taong pampulitika ang dating, ang kanilang angkan sa kanilang probinsya ay kilalang mga may kaya sa buhay. Dati mataba na sya ngunit ngayon ay dumoble ang kanyang timbang. Siya ay isang magaling na lider at may talento sa pampublikong pananalita. “Long time no see guys!” Bati ko sa kanilang tatlo. “Long time ba yun, noong isang Linggo lang e nanduon ka sa bahay.” Pagbubuko ni Luis. “O sya tama na yan kasi mukhang gutom na kayo, kain na tayo, inihanda na ni nanay ang mesa” winika naman ni Gelay. “Teka kulang pa tayo ala pa si Marcos tsaka yung girlfriend nya.” Naalala kong bigla ang isa pa naming kaklase na nagsabing pupunta rin. “Nagtext na sila sa akin mamaya ay aabangan ko na lang uli sila sa arko.” Sagot naman ni Gelay. “kumain na kayo.” Ilang saglit pa ay dumating naman ang barkada ni Gelay dito sa Pantabangan at ipinakilala sa amin. Dumating na rin ang aming hinihintay na sila Marcos at Mercy, ang kanyang kasintahan. Sabay sabay kaming pumunta sa resort na aming tutuluyan. Doon sa resort tumambad sa amin ang mga mayayabong na puno ng pino at ang magandang tanawin ng Pantabangan dam na para bang lawa ng Taal. Maihahambing ko ang itsura ng lugar sa Baguio na hinaluan ng Tagaytay, sadyang napakaganda at tahimik. Kuha ng picture dito, kuha doon, tawanan at kwentuhan. Hindi na nga naming naasikasong magswimming dahil tila ba kami nasabik sa mga kwento ng isa’t-isa. Sa paglalim ng gabi, napagod din sila Charles at Luis sa paggawa ng kung ano-anong kalokohan,si Michael naman sa kanyang pagmumukmok, si Gelay sa pagaasikaso sa amin at si Marcos naman sa pakikipaglambingan sa kanyang kasintahan. Nakatulog na ang lahat pwera lamang sa akin. Kasintahan…bumabalik nanaman sa aking alaala si Diana ang babaeng inikutan ng aking daigdig sa loob ng limang taon. Wala na kami, isang lingo pa lamang ang nakakalipas, wala na kami…hindi ko pa matanggap… Bakit kaya nagkaganoon, ibinigay ko naman ang lahat sa kanya ngunit hindi pa ba sapat iyon? Masyado daw akong naging supportive sabi ni Gelay. Parang ako pa daw ang nag-udyok para mangyari ito biro naman ni Charles kasi naikwento ko na ako ang nakahanap ng trabaho na iyon para sa kanya. Sa Balanga, Bataan nagkaroon ng trabaho si Diane bilang isang guro sa kolehiyo. Maynila pa rin ang trabaho ko bilang Callcenter agent, permanent na ako at sapat na ang kinikita ko. Nakita ko ang ad sa internet na nangangailangan daw ang Bataan Peninsula State University ng guro sa Kimika, agad ko namang sinabi ito sa kanya. Inayos naming ang lahat mula sa kaliliit-liitang mga papeles at natanggap si Diane. Ayoko sanang mawalay siya sa akin ngunit alang-alang sa kanyang pangarap at sa kanyang pamilya, tiniis ko ang pangungulila sa kanya. Kapag di ko na kaya ay dinarayo ko ang Bataan para lamang magkasama kami. Sa loob ng apat na taon ganito ang sitwasyon naming, text, tawag, dalaw minsan. Ngunit habang tumatagal ay nadarama ko na unti-unti na syang nanlalamig sa akin, tila ba kung minsan lagi na lang nya akong kinakikitaan ng mali at nababalewala ang lahat ng mga mabuti. Sabi ni Michael, kapag ganoon daw ay may pinagkukumparahan nang iba ang kasintahan sapagkat nakikita na nya ang mali, therefore daw may nagpapakita sa kanya ng mabuti, may nanliligaw o nanunulot na daw sa kanya. Tama naman ang sinabi nya, sana noon pa nasabi ni Michael ito pero kahit naman malaman ko siguro o magduda ako e mas mananaig pa rin ang pagmamahal ko kay Diana. Sa katunayan nga ay nakabili na ako ng lote at naghahanda na rin akong magpatayo ng bahay doon na pagsisimulan ng aking magiging pamilya. Nakahanda na ang lahat, naka-ipon na sa bangko ang perang maari naming gamitin kung magpapakasal na kami, wala ng problema…yun ang aking akala. Pumasok sa eksena si Anthony, isa sa co-teacher ni Diana na nahihingahan nya ng sama ng loob at sa aking palagay ay may gusto sa kanya. Ipinakilala sya sa akin ni Diana bilang kaibigan, simula noon naging seloso ako lalo na ng dumalang na ang kanyang pagtetext sa akin at kung minsan ay ayaw nya akong padalawin ng Bataan, madalas nga nagkakasagutan pa kami sa phone pero ako din ang sumusuko. Hanggang sa puntong inamin na sa akin ni Diana na nahulog na ang kanyang loob kay Anthony at tinapos ang lahat sa amin…Hindi ko ito matanggap, dumating sa punto na hindi ako makakain at naospital pa ako dahil sa depresyon. Hindi pa rin ako sumuko, pinilit ko pa ring isalba ang aming relasyon pinuntahan ko sya sa Bataan. Nakarating ako sa kanilang tinutuluyan, hindi ko alam ang aking gagawin, sa init ng araw nag-antay ako sa labas ng gate, ayokong pindutin ang doorbell dahil di ko alam ang aking sasabihin hanggang sa may lumabas ng gate at saktong si Diana yun. Inaya ko syang lumabas at pumayag siya, nanood kami ng sine at nag-usap…wala na talaga, iba na ang nadarama nya para sa akin…ramdam na ramdam ko iyon…masakit pero kailangan ko na sigurong tanggapin. Ihahatid ko na sana sya ngunit pinahinto nya ang sasakyan at nagsabing magjejeep na lang. Bumaba ako para ihatid sya, habang papalayo sya sa akin ay di ko napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Naiyak na ako kahit na pinipilit kong ngumiti para sa kanya, nilingon nya ako at sya ay ngumiti rin ngunit napansin kong na nangingilid na rin ang mga luha nya. Pinanood ko ang pagsakay nya sa Jeep na tila ba dahan-dahan…para bang nagsasabi ang oras na dapat mo nang namnamin ang mga sandali sapagkat ito na ang huli. Ala-una na ng madaling araw napatingin ako sa tubig, pinulot ko ang isang bato at inihagis iyon. Sana ang nadarama ko ay tulad ng bato na kapag inihagis mo satubig ay lulubog na sa kailaliman, ngunit hindi bato ang puso ko, hindi ito maaring ihagis sa dam. Hindi ko rin kayang itapon agad-agad ang limang taon ng aming pagsasama. Masakit para sa akin pero pasasaan ba at makakalimot din ako, pasasaan ba at makakatawa, makakangiti, makakahalakhak din ako ng totoo…di tulad ngayon na ang aking mga ngiti ay may bahid ng kalungkutan…

Charles

Ito na ang huli… Tiningnan ko ang kanyang mga mata, ang kanyang mga labi na pilit na ngumingiti. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok, pinigil nya ito at hinawakan ang aking kamay. “I cannot do this anymore…We have to stop…” Sabi nya sa akin. “My mind understands but my heart won’t comprehend.” Ngumiti ako para itago ang lungkot sa aking mukha. Tahimik… Tahimik kaming kumain ng hapunan sa isang walang katao-taong restoran, tamang tama ang pagkakataon sapagkat privacy ang kailangan naming dalawa. Habang kumakain ay tinitingnan ko sya, at sa bawat subo nya ay tila unti-unting bumabalik sa akin ang lahat… Nang kinakailangan ko ng karamay sa mga problemang hindi ko maibulalas sa aking mga magulang ay dumating sya. Sa isang Bookstore sa lungsod ng San Jose, Nueva Ecija kami nagkakilala. Bumibili ako ng libro noon, nang nakita ko na ang aking hinahanap ay pinuntahan ko ito sa shelf, at nag-kataon namang iyon din ang librong nais nyang bilhin,iisang kopya yung nahawakan namin sa dinami-dami ng kopya ng librong iyon sa shelf, parang isang eksena sa pelikula na nagkalapit ang aming mga kamay at bahagyang nagkahiyaan. Napakaganda niya, ang kanyang mga mata ay tila pukyutan sa kinang na binagayan naman ng kanyang mapupulang labi, isang perpektong mukha na kahit si Cleopatra ay mahihiya. Nakita ko na lang ang aking sarili na nagpapakilala na sa kanya. “Gusto mo rin pala si Exuperry?” Simula ko ng usapan. “ Oo maganda kasi ang moral ng novel nya…” sagot nya sa akin. “Hi, ako nga pala si Charles” pakilala ko sa kanya. “I’m Lydia…nice to meet you” Ngumiti sya sa akin at naglahad ng kamay. “Naglunch ka na ba, sabay tayo…my treat…”Aya ko sa kanya, tila naging presko ata ako noon na di ko naman nagawa sa ibang mga babae. “We’ve just met…” komento nya, napreskohan nga sya sa akin. “Sometimes it’s nice to be with someone that you just met…Para magkaroon ka ng bagong kaibigan.” Ngumiti ako, gagana kaya ang sales talk ko, sa isip-isip ko. At kumain kaming dalawa, ni hindi ko man lamang tinanong kung may boyfriend na sya, baka mamaya e may bumugbog na lang sa akin. Nagkwentuhan tungkol sa pamilya ng isa’t-isa., sa buhay ng isa’t-isa at nagbigayan ng numero ng telepono. Sa text kami nagligawan at sinagot nya ako. Ako ay taga-Lupao sya naman ay Isabela, ang layo ng aming pagitan. Kapag may oras kami ay nagkikita naman kami sa Cabanatuan at duon nagdadate. Medyo kakaiba rin an gaming relasyon dahil hindi kami nagtatago ng larawan ng isa’t-isa kahit sa cell phone. “ Hayaan mo na lang na nakatatak ang itsura ko sa puso mo…” Iyon ang sabi nya sa akin, may pagkaromantic sya na di ko matanto… Sa mga katrabaho ko, ang tingin nila sa akin ay lalaking birhen, may gatas pa sa labi at hinayaan ko na lang ang imaheng ito. Inosente daw ako, yun ang ipinakita ko sa loob ng tatlong taon na magkasama kami, sa mata ng iba ay wala akong girlfriend at kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng girlfriend. Pero ang totoo ay pangalawa na si Lydia sa naging kasintahan ko, ang una sa tingin ko ay di ako seryoso at bata pa ako pero si Lydia…seryoso ako, seryoso ako para sundin ang kakaiba nyang ritwal sa aming relasyon na sa iba ay naweweirdohan o magkakaroon ng pagdududa. Kung mahal mo ang isang tao ay dapat na intindihin mo ang kalakasan at kahinaan nya at tanggapin iyon, ganon ang ginawa ko… Sa isang date namin ay nakahiga kaming dalawa sa kama, at napag-usapan namin ang aming mga pangarap…napag-alaman kong nag-apply sya sa Dubai bilang staff sa isang hotel, nagalit ako sapagkat di man lamang nya ito kinunsulta sa akin, nagkaroon kami ng matinding pagtatalo. Ayoko syang umalis, naging makasarili ako… Dalawang linggo kaming di nag-usap, sa ikatlong lingo nagparamdam naman sya sa akin, kaya lang quotation lang pinadala nya, nagreply ako di na sya sumagot, ang tatlong linggo ay naging isang buwan, dalawang buwan, ako na ang di nakatiis, tinawagan ko sya, alang sumasagot…inulit-ulit ko ang pagdial ng telepono, ala pa ring sumasagot hanggang sa low-bat na ako. Pebrero…buwan ng mga puso, napakasakit na sa Valentines day ay wala ka manlang mapadalan ng roses…pero hindi naman kami nagcecelebrate ng Valentines day…kasi di naman kami nagkikita ng ganung araw…kaya lang puro ligawan, pag-iibigan ang nasa paligid ko na para bang nang-iinis, beeeh ala kang kasama ngayon, inggit ka ano? Parang ganoon ang sinasabi ng mga taong nakikita ko… Pebrero 24, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, muling nabuhay ang puso ko na tila nadehydrated sa sobrang love na nakikita ko…Nagyaya siya ng date, at mabilis pa sa alas kwatro ay pinuntahan ko ang nanay ko na nakikipagtsismisan sa labas at nagpaalam, naligo ako at nagbihis… At heto na kami ngayon, kumakain…ang pag-asa ko na magkakaayos kami ay lumalabo na… “So I guess this is goodbye?” Sinabi ko ulit upang pukawin ang kanyang atensyon. “I believe so…but before this day ends…” Dahan dahan syang dumukwang ng halik, at hinalikan ko naman sya pabalik. Nakita na lang namin ang aming mga sarili sa isang silid, magkatabi at unti-unting naglapit ang aming mga kamay, muli na pinagningas ang mga damdaming naapula… Ninamnam ang bawat sandali, hinayaang ang puso ang magdikta at naging tanga muna panandalian Sapagkat… Ito na ang huli… Pagkatapos nito ay aalis na sya patungong Dubai at di na kami magkikita… Ito na ang huli…