Having a job is an awesome thing but keeping sane while at work is another, specially if you encouter colorful species in your work place.Whether they make your life a living hell or not always rememmber these helpful tips, which are all entirely based on my observation and experiences...
1. Being passionate and hardworking is a good thing, but being laid back and relaxed at work is the best.
2. Keep your friends close, your enemies closer, and your boss even closer in short "daig ng sipsip ang masipag..."
3.Huwag maging magaling kung ayaw mong paratangang mayabang, hinay-hinay lang...
4. May mga taong sadyang ipinanganak upang mang-inis ng kapwa o kaya ay kainisan ng bayan.Ipanalangin mong wag ikaw ito...
5.Showing up is better than no show at all, it's better LATE than absent.
6. Mag-ngat sa mga nuno na wala sa punso, magtabi-tabi po palagi kahit saan man pumunta o sa anumang iyong gagawin para di ka mamatanda literally and figuratively.
7.Bumati sa lahat ng co-workers kahit mukha ka nang tanga para hindi ka sabihan na snob ka.
8.Huwag mag-stay sa workplace mo nang sobra-sobra sa oras lalo na kung ang workplace mo ay pang-horror film ang dating, I see dead people na ang drama mo pag nagkataon.
9.Huwag mong piliting intindihin ang iyong mga katrabaho, kanya-kanyang trip lang yan, pagtsismisan mo na lang pero walang pakialamanan. sa ganitong paraan hindi ka mauubusan ng pagtsisismisan , may past-time ka na masaya pa sila.
10. Masarap makipagtsismisan as long as hindi ikaw ang topic.
Pag-iisipan ko pa ang mga susunod na mga aral...hanggang dito na lang muna...